^

PSN Showbiz

Suspek kay Sandro, laya na sa Senado

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Tinanggap ni Sen. Jinggoy Estrada ang paghingi ng paumanhin ni Jojo Nones dahil sa pakikipagtalo nito sa nakaraang Senate hearing noong Martes.

Ipinost ni Sen. Jinggoy sa kanyang social media account ang paghaharap nila muli ni Nones na kung saan ay hindi na niya kinontra ang pagpapa-release nito sa detention.

Miyerkules ng gabi ay ini-release na si Jojo.

Ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham Garduque, kailangan daw muna ng ilang araw na pahinga dahil ang tindi raw ng epekto sa physical at mental health ng kanyang kliyente.

Hindi raw muna niya inaabala si Nones dahil ang mahalaga ay makasama muna niya sa kanyang pagpapahinga ang kanyang pamilya, at ang partner niyang 17 years na niyang nakakasama.

Meron pala silang adopted child ng kanyang partner, pero hinihiwalay raw nila ito sa pinagdadaanan ngayon ng writer/TV director.

Ang kuwento pa nga sa amin ni Atty. Maggie, sobrang affected daw ang partner ni Jojo dahil ngayong lang pala sila napahiwalay nang ma-detain ito ng sampung araw.

Sabi na lang sa amin ni Atty. Maggie, pagkatapos magpahinga ni Nones at nagpapagaling din naman si Richard Cruz, imi-meeting na raw niya ang kliyente niya dahil kailangan na raw nilang paghandaan ang isusumite nilang counter affidavit. Sa Sept. 12 ang first hearing nila sa DOJ.

Samantala, tinanong ko naman ang legal counsel ni Gerald Santos kung meron na ba silang isasampang reklamo laban kay Danny Tan.

Sabi ni Atty. Noel Malaya, pinag-aaralan pa raw nila pero meron daw. Posibleng Child Abuse kung pasok pa ito sa prescriptive period.

Pinag-usapan nila sa nakaraang hearing na hindi pa nila matiyak kung puwede ang kasong Rape dahil iba ang pag-handle sa kasong rape ng magkaparehong gender.

Sa reklamong rape ng lalaki sa lalaki, kailangan daw may penetration.

Hindi ito sinagot ni Gerald nang tinanong siya ni Sen. Jinggoy.

Dahil sa kasong ito, nakakalkal ngayon sa YouTube ang ilang episodes ng Pinoy Pop Superstar na pinanalunan ni Gerald Santos.

Napakabata pa nga roon ni Gerald na totoy na totoy. Kapag pinapanood mo ang episodes na ‘yun na kumakanta siya, hindi mo maiwasang isipin kung nahalay na ba siya nung panahong ‘yun.

Matapos ang bugbugan at demandahan... Kit at Ana, nagkabalikan?!

Ngayon lang uli namin nakatsikahan ang guwapong si Kit Thompson pagkatapos siyang nasangkot sa gulo nila noon ng dati niyang kasintahan na si Ana Jalandoni.

Kasama si Kit sa bagong pelikulang gagawin ng Mavx Productions, ang ConMom na baka isusumite nila sa finished films ng Metro Manila Film Festival.

Gaganap siyang asawa ni Kaye Abad, na napapatili ang aktres ng “ang bata!”

Kasama nila rito sina Paolo Contis, Patrick Garcia at Empoy Marquez.

May pagka-comedy drama ito na kukunan ang kabuuan ng pelikula sa isang malayong town sa Cebu.

Nung tsinika namin si Kit sa look test nito nung nakaraang Linggo, maingat at matipid ang mga sagot nito sa mga personal na isyu, lalo na itong sa kanila ni Ana Jalandoni.

Tinanong namin kung totoo bang nagkabalikan sila ni Ana, umiiling ito.

“No! Hindi,” pakli niya.

Okay naman daw sila, pero hindi lang niya idinetalye kung paano sila naging okay.

Sinundan namin ng tanong kung naayos na ba nila ang mga problema nila. Nagkademandahan sila ni Ana dahil sa isyung bugbugan noong taong 2022.

Kinasuhan noon ni Ana si Kit ng Violation of Section 5 of Rep. Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Children.

Pero nitong mga nakaraang buwan lang ay narinig na naming nagkaayos sila at nagkabalikan na nga raw.

Ang sabi lang ni Kit, “We’re actually good. Yeah! It’s all good.”

Mas gusto niyang tahimik na lang para hindi na sasawsawan ng ibang tao ang ganitong personal niyang isyu.

 

 

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with