Marie, aawra sa lifestyle lab
Headliner si Marie Lozano sa bagong lifestyle program ng Bilyonaryo News Channel na Lifestyle Lab. Tatalakayin ng nasabing documentary-style show ang mga topic about health and wellness, beauty, and fashion in signature Bilyonaryo style of reporting and presentation na hindi lang mapapanood sa free TV kundi maging sa digital world din.
Ieere ang new episodes ng show every Saturday at 10:00AM with repeats at 8:00PM, with replays on Sundays at the same time slots.
Ipapakita ng veteran journalist and aspirational star na si Marie ang mga latest trends at ibubuking din nito kung ano ang ‘hype’ at ‘real deal.’
Samantala, sa larangan ng negosyo type dalhin ng Bilyonaryo News Channel ang business news reporting style sa mas malawak na audience along with its signature programs na sumasakop sa lahat ng base ng business landscape sa bansa.
Ang veteran business broadcaster at founder of the socially oriented organization dedicated to empowering Filipino youth in business and entrepreneurship na si Maiki Moreta naman ang hahawak ng Kiddo-preneur sa Basis Point na mapapanood from 9:30am to 10am at Industry Beacon na eere naman from 11:30am to 12pm.
Nagbabalik naman sa Philippine television si Raine Musñgi, kilalang business news journalist and presenter na mag-aanchor at magpo-produce ng Follow The Money mula 10:30AM hanggang 11:00AM.
Mapapanood naman sa nasabing half-hour show ang masterclass in personal finance, na magbibigay sa mga manonood ng strategies para saving, earning at kung paano palaguin ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng magkakaibang paraan ng pamumuhunan.
Ang seasoned news and public affairs anchor naman si Mai Rodriguez ang magho-host ng Pathways to Success na mapapanood Mondays to Fridays from 11:00AM to 11:30AM.
Mapapanood din sa bagong channel ang previous episodes ng Usapang Bilyonaryo ni Ces Drilon habang inihahanda ang new season ng mga bagong programa.
Magsisimula nang mapanood sa mas malawak na audience ang BNC sa September 9 on free-to-watch television channel BEAM TV 31 (through digital TV boxes in Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, and Naga), and leading cable TV provider, Cignal Channel 24.
- Latest