^

PSN Showbiz

Dingdong, pinasilip ang ginawa nila sa Australia!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, pinasilip ang ginawa nila sa Australia!
Dingdong, Marian, Sixto at Zia

Ang bongga ng bakasyon ng Dantes Squad – Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto sa Australia.

Nakapamasyal ang pamilya nila kama­kailan doon at ipinasilip ng aktor ang ilan sa bonding moments nila.

Ipinost ni Dingdong ang isang short reel ng pamamasyal nila at makikita ang saya nila. Hindi lang ang mga bagets ang nag-enjoy kundi pati na rin silang mag-asawa kung saan makikita rin si Marian na na-excite sa pagpunta sa Pop Mart store.

Makikita rin sa isa pang reel ang tila pag-vlog nina Zia at Sixto na kinaaliwan ng netizens. Wish nga ng mga tagahanga nila ay mag-post sila ng mas maraming travel vlogs.

Maririnig ang tuwa nila sa videos at nag-enjoy rin sila nang magkaroon ng interaction sa mga kangaroo.

Ang bilis nga raw lumaki nina Zia at Sixto na ang tangkad na raw ni Zia na pang-beauty queen din ang ganda gaya raw ng mommy niya at si Sixto na lutang din ang kaguwapuhan na walang dudang nagmana rin sa kanyang daddy.

Very ideal family talaga.

Bongga.

‘Test of emotional strength’

Kahit umuulan kahapon naghanda na ako para sa dialysis session ko.

Umulan, umaraw, holiday, hindi puwedeng mag-absent sa three times a week na dialysis session ko since last week.

Naku gloomy na nga panahon, mas magiging gloomy pa sa hospital. Talagang test of emotional strength ang may mga ganito kang ginagawa. Para bang pagsabayin mo ang maulan at gloomy atmosphere at pagda-dialysis. Apat na oras na nakaupo ka sa session imposibleng hindi ka mainip o ma-bore.

Buti na lang at may social media kahit papaano may nagagawa ako habang nakaupo. Naku heto na naman ako sa complaining mood ko, tapos mag-self pity na naman ako.

No choice kaya enjoy na lang.

Kaloka.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with