^

PSN Showbiz

Janine, mas gustong panggigilan; Jericho ramdam ang good balance

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine, mas gustong panggigilan; Jericho ramdam ang good balance
Jericho Rosales.
STAR/ File

Grabe ang pasasalamat ni Janine Gutierrez sa pagiging Kapamilya.

Pasabog nga ulit ang kanyang character sa magaganap na acting showdown kasama sina Jodi Sta. Maria at Jericho Rosales sa Kapamilya teleseryeng Lavender Fields, na unang mapapanood sa Netflix at iWantTFC bago ito ipalabas sa TV simula Setyembre 2.

Kasama rin dito sina Albert Martinez, Edu Manzano, Jolina Magdangal, at Maricel Soriano, at ang new gen actors na sina Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Marc Santiago.

“Well, syempre, I’m so grateful talaga for all the projects I’ve done here. As in, grabe talaga ‘yung level of commitment and creativity and collaboration natin dito sa Dreamscape and especially sa ABS-CBN. And I owe so much... to like, three years pa lang ako na Kapamilya and grabe ‘yung mga nakakatrabaho ko, ‘yung mga karakter na nagampanan ko and sobra ‘yung pagpapasalamat ko,” pahayag ni Janine sa media conference nito last Saturday afternoon ng Lavender Fields.

Ang ganda nga kasi ng naging feedback ng character niya sa Marry Me, Marry You at Dirty Linen.

At special mention niya ang namayapang head ng Dreamscape: “Especially to Sir Deo (Endrinal) na talagang he really trusted me and took me under his wing and made me a part of the Dreamscape family. So, I’m so, so grateful.”

Pero hindi niya kinalimutan ang GMA 7 kung saan siya talaga nag-umpisa ng career. “And at the same time, I’m also so grateful to my former network, dun ako nag-umpisa from zero. As in, sila ‘yung naghirap sa akin, wala talaga akong alam sa ginagawa ko. So, I’m so grateful to all the creatives I worked with there and the directors I worked with there and every experience, every project na nadaanan ko since nag-umpisa ako has contributed to who I am today.

“At patuloy akong natututo sa mga nakakatrabaho ko. At sa inyo rin, sa fans, dahil ‘yung mga komento n’yo, ‘yung mga reaction n’yo, ‘yun din talagang nag-inspire sa amin na talagang pagbutihan pa sa trabaho.”

At hindi niya rin kinalimutang pasalamatan ang yaya na ilang beses na niyang nabanggit na hindi pa siya pinapanganak ay yaya na nila. Kamakailan ay na-diagnose rin ito na may breast cancer. Nabanggit pa ng actress sa previous interview na nagsusumikap pa rin siyang makakuha ng dagdag na pera para mabili si Yaya Pat ng sariling bahay. “Ito po si yaya Pat. Siya po ‘yung yaya ko. Ayan si yaya Pat (na pinatayo niya). Parang nanay ko na po ‘yan. Kami po ‘yung mga anak niyan si yaya Pat. Hindi pa ako pinapanganak siya na po ‘yung kasama ko. So, thank you yaya for coming,” proud na sabi niya noong mediacon.

“Sobra rin ‘yung pagpapasalamat ko sa fans kasi ako minsan, sinasabi ko ‘huwag na kayong pumunta’ pero punta pa rin sila may dala pang bulaklak, may pasalubong pa galing ibang bansa. So, thank you po. Thank you everyone. Kasi ‘yung iba diyan hindi ko pa alam na mag-aartista ako, alam na nila na mag-aartista ako kasi fans pa ni mama (Lotlot de Leon) at ni mama Guy (Nora Aunor).  So salamat po talaga sa suporta at sa pagpunta. Iba rin talaga ‘yung effort na nandiyan sila physically,” sabay tilian ng kanyang mga faney.

Samantala, ibang level ang pagiging kontrabida niya sa Lavender Fields.

Janine aka Iris Buenavidez in her contravida era.

Anong nararamdaman niya habang pinapanood ang character niya sa ginanap na preview? “Hindi ko nararamdaman ‘yun eh. Ako kasi ‘yung tipo na kapag napapanood ko ‘yung sarili ko naiisip ko, ano pa bang pwede kong magawa para mas mapaganda pa ‘yung eksena. I think kaya hindi kami nanood ng playback ‘yung ganon kasi kailangan mo rin ibigay ‘yung tiwala na kapag ginood take na ni Direk, ibig sabihin good na kila Direk. ‘Yung parang hindi mo na pwedeng pag-obsess-an na, shuck dapat ginalingan ko pa or ganyan.”

Kaya sana naman daw ang maramdaman ng televiewers ang ginawa niya. “Sana nga talaga manggigil kayo. Ako mas nanggigil ako kay Tyrone (Jericho) eh kasi nakita ko ‘yung mga panloloko niya tapos in the end parang gusto ko na kumampi kay Lavender (Jodi). Parang litung-lito na ako sa nararamdaman ko pero sana nga po manggigil kayo at salamat talaga kay Direk Manny at kay Direk Jojo, Sir Rondel at Miss Kylie sa walang sawang tulong at pagpapaliwanag sa akin bilang first time ko talaga gumanap ng ganitong klaseng role, so salamat.”

Samantala, hindi na pinalampas ng mga andung press kung ba’t nasa aura ni Jericho ang kaligayahan.

Nauna nang kinumpirma ng actor na nasa dating stage sila ni Janine pagkatapos ng ilang sighting sa kanila : “We’re getting to know each other, we’re dating.”

Paliwanag niya : “I’m just really, really happy. On the professional side, I’m so happy to be with these guys right now (Lavender Fields). My team is here, and they’re so happy. I love them. But on the personal side, all of these people that I work with,  love her. So it just feels light; you know what I mean. Everything just feels light, if you know what I mean. So, you know, we’re professionals on set. We can joke about it off-screen. But when we step there,  so it’s just like, there’s a really good balance.”

Samantala, susundan ng kwento nito si Jasmin (Jodi), isang simpleng dalaga na mai-inlove nang bonggang-bonga sa isang gwapong accountant na si Arthur/Tyrone (Jericho) at mauuwi ito sa pagbubuntis ni Jasmin.

Subalit, mauudlot ang kanilang relasyon at matutuklasan na may asawa na pala si Arthur. Dahil naman sa naging relasyon nina Jasmin at Tyrone, makakaranas si Jasmin ng sunud-sunod na paghihirap sa pangunguna ni Iris (Janine), ang misis ni Tyrone.

Mawawala ang lahat kay Jasmin, pati na rin ang pinakamamahal niyang anak. Habang ngitngit sa galit at sa paghahanap ng hustisya, unti-unting makakabangon si Jasmin at magbabagong-anyo bilang si Lavender Fields upang singilin ang mga sumira sa kanyang buhay.

Makakasama rin sa cast sina Victor Neri, Bernard Palanca, Soliman Cruz, Biboy Ramirez, Thou Reyes, Race Matias, Justine Luzares, Pamu Pamorada, Alex Diaz, Eric Nicolas, Benj Manalo, Cheena Crab, Kate Alejandrino, Analain Salvador, Jonic Magno, Yesh Burce, at may special participation ni Lotlot de Leon. Mula naman ito sa direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Jojo Saguin.

Mapapanood ang Lavender Fields sa Netflix simula Agosto 30 at sa iWantTFC simula Agosto 31. Mapapanood din ito sa TV gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with