^

PSN Showbiz

Maricel, gulat sa suporta ng Gen Z!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maricel, gulat sa suporta ng Gen Z!
Maricel Soriano.
STAR/ File

Mahigit limang dekada nang aktibo sa show business si Maricel Soriano. Mula noon pa man ay talagang malaki na raw ang respeto ng Diamond Star sa lahat ng mga trabahong kanyang ginagawa.

“Maybe because I love my job too much. Talagang nire­respeto ko itong trabaho na ito. Dahil ito ‘yung bumuhay ng pamilya ko, mga kapatid ko, ng lahat. Kumbaga, dito ako nakilala. Ang sabi ko lang noon kasi six years old lang ako noon, gusto ko nang mag-artista. Hindi talaga as in mag-artista. Actually, ang gusto ko no’n, ‘yung magtrabaho para meron kaming pagkain. Dati gano’n kami,” paliwanag ni Maricel.

Lubos ang pasasalamat ng beteranang aktres dahil nakikilala rin siya ng mga kabataan ngayon. Nagtataka raw si Maricel kung bakit maging ang bagong henerasyon ay pinapanood ang kanyang mga proyekto. “Ayun nga, ako nagtataka ‘yung nakilala nila ako. Kasi sinabi ko, ‘Bakit kayo nandito?’ Dapat doon kayo kina ano (mga nakababatang artista), ‘yon ang mga kaedaran ninyo na artista. Sabi, ‘Hindi ho, kasi pinanonood naming lahat ‘yung pelikula ninyo.’  Sabi nila sa akin, ‘Gusto namin kayo kasi ang husay n’yo sa comedy. Tawang-tawa ho kami.’ Alam nila kung anu-anong pinaggagagawa namin noon. Naloloka ako kasi parang hindi ako makapaniwala na, ‘Ha? May ganyan ba?’ ‘Yung gano’n, after a while, natutuwa naman ako sa kanila,” nakangiting kwento ng Diamond Star.

Regine, may dasal para kay Ogie

Noong Sabado ay ipinagdiwang ang ika-57 kaarawan ni Ogie Alcasid sa It’s Showtime. Naging espesyal na panauhin ng singer-songwriter ang mag-inang sina Regine Velasquez at Nate Alcasid. Nagbigay ng mensahe ang Asia’s Songbird para kay Ogie. “Ang gusto ko lang maging successful lahat, ‘yung mga ginagawa niyang projects for other people. Ang prayers ko, na hindi siya mapagod dahil ang dami niyang ginagawa, meron siya everyday. Nagpo-produce pa siya, and he continues to write songs, he continues to reinvent his songs, he continues to reinvent himself. It’s very hard to be relevant but I think my husband is able to do that. Kasi nga he’s not afraid to reinvent himself. So, honey, I’m very, very proud of you. I’m very proud of the work you do. So, congratulations mahal, I love you very much,” paglalahad ni Regine.

Hindi na bago sa Asia’s Songbird ang balitang nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Ogie. May ilang nagsasabing nagkahiwalay na diumano ang mag-asawa.

Para kay Regine ay talagang mabuting asawa at ama si Ogie.

(Reports from JCC)

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with