^

PSN Showbiz

Carlos at Chloe, honeymooners ang peg sa mamahaling condo

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Carlos at Chloe, honeymooners ang peg sa mamahaling condo
Chloe San Jose at Carlos Yulo

Honeymooners ang peg ng mag-jowang sina double Olympic gold medalist Carlos Yulo at Chloe San Jose sa condo unit ni Carlos na kasama sa mga natanggap niyang premyo.

Ito ang naramdamang vibe ng netizens sa mag-jowa sa mga TikTok video ng social media personality na si Chloe.

May video na nagsi-singalong siya habang nakahiga sa kanyang lap ang gymnast na hinimas-himas niya ang ulo.

In all fairness kay Chloe, sumi-singer siya.

As of this writing, almost 5 million views na ‘yun.

Pero ‘yun nga, pumapasok din ang moral values issue dahil ba’t daw ganun, asan ang ugaling Pinoy ni Carlos na kinakalimutan ang mga magulang habang nagsasama sila sa bonggang condo ng karelasyong influencer.

Anyway, nauna na ngang sinabi ni former governor Chavit Singson na hindi ma-contact ng mga magulang niya si Carlos.

Kaya ang hamon ng pulitiko / negos­yante, “Ipakita mo na role model ka.”

Nauna nang nakausap ng dating pulitiko ang pamilya ni Carlos. “Sampu lahat sila. Nanay, tatay niya, mga kapatid niya. ‘Di na raw nila makontak. So nakiusap ako kay Caloy kung marinig man niya, pamilya mo muna dahil wala ka naman dyan kung hindi sa kanila. So ako, hindi sa nakuha mong gold kako, ‘yung ibibigay kong 5 milyon dagdag lang sa pamilya n’yo, sa’yo rin. Pero gusto kong magbati silang pamilya,” paliwanag ni Mr. Singson.

Tularan daw sana niya si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na malaki ang paggalang sa inang si Mommy Dionisia.

vuukle comment

SHOWBIZ

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with