^

PSN Showbiz

Jerald, nagpanday ng singsing para sa proposal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jerald, nagpanday ng singsing para sa proposal!
Jerald Napoles at Kim Molina.
STAR/ File

Hindi mapigilan ng singer-actress na si Kim Molina ang kilig nang malaman na ang fiancé mismo niyang si Je­rald Napoles ang gumawa ng engagement ring niya ilang araw pagkatapos ng proposal nito.

Ipinost ni Kim ang video kung saan ang longtime partner mismo niya ang gumagawa ng singsing na gagamitin sa proposal habang tinuturuan siya ng mga panday. Kuha pa raw ito noong taong 2023 pero sa mga hindi inaasahang nangyari ay lagi raw nauudlot ang proposal at itinago na lang nito ang singsing ng mahigit isang taon.

Hindi raw akalain ng aktres na ganito kadetalyado ang boyfriend na makikita ang bawat proseso sa video ng paggawa nito ng singsing. Another level daw talaga ang paggawa nito ng singsing.

Hindi rin niya alam na bago pa ang proposal ay hiningi na nito ang kanyang kamay sa mga magulang na nasa Saudi sa pamamagitan ng video call. Maririnig ang mga sinabi nito sa magulang niya na nagpaiyak din kay Kim.

At makikita rin sa video ang pagluhod ni Jerald sa proposal at bongga ang naging paghahanda talaga nito na ginanap sa PETA Theater na may special significance sa kanila dahil doon sila unang nagkakilala.

Pinuno ng aktor ng mga bulaklak at ilaw ang theater na talagang naging mabusisi ang paghahanda bukod sa singsing.

Kaya nagpasalamat sila sa mga taong tumulong kay Jerald para maging espesyal ang proposal nito.

Isang dekada na ring magkarelasyon ang dalawa kaya siguro nagdesisyon na silang luma­gay sa tahimik.

Bongga.

vuukle comment

JERALD

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with