^

PSN Showbiz

Karylle, nagsalita sa stress at pagtaba

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karylle, nagsalita sa stress at pagtaba
Karylle Tatlonghari.
STAR/ File

Malapit nang mapanood ang Manila Matriarchs na pinangungunahan ni Karylle Tatlonghari. Masayang-masaya ang It’s Showtime host dahil napili siya para sa naturang reality show. “I get to do it with three amazing women, Joanna (Preysler-Francisco, Myrza (Sison) and Trisha (Bantingue-Tsao). So, from different walks of life but all Filipinas. Nakakatuwa at medyo interesting to see how our different points of view are and where we are in our career and our family lives,” pagbabahagi ni Karylle sa ABS-CBN News.

Bukod sa pagiging noontime show host ay ipakikita rin ng aktres sa bagong programa ang iba’t ibang kaganapan sa kanyang buhay. “I’m basically showing different dimensions in my life. I’m starting radio then I’ve been podcasting as well. Then theater siyempre. I guess our music as well. It’s hard kung papapasukin mo ako kunyari sa ibang reality show, hindi ko din alam. Parang every time they ask me why are you doing this? Sabi ko I don’t know. And I would never say yes but I did somehow,” nakangiting pahayag ng singer-actress.

Nagkaroon ng mga ispekulasyon na posibleng buntis na si Karylle dahil matagal-tagal na hindi napanood sa It’s Showtime. Napansin din ng mga tagahanga na tumaba nang kaunti ang TV host nang bumalik sa programa kamakailan. “I was on leave because of Little Shop of Horrors. Not everyone is aware that when you do a play, tech week means you almost live in the theater. You’re wearing the warmest clothes kasi aircon. And Showtime has been so kind to me and allowed me time to do leaves. Siguro nagtataka mga tao bakit wala ako, why did I gain wait. Siyempre nag-stress eating,” paliwanag ng It’s Showtime host.

Osang, naging negosyante kay Coco

Napapanood na tuwing gabi sa FPJ’s Batang Quiapo si Rossana Roces. Ginagampanan ng aktres ang karakter ni Divina na isang negosyante. “Marami akong negosyo, sports car gano’n pero legal,” nakangiting bungad ni Rossana.

Magiging kaibigan umano ni Divina ang karakter ni Coco Martin na si Tanggol. Ayon kay Osang ay kapana-panabik ang lahat ng kanyang mga eksena sa serye. “Magkakaroon kami ng friendship, magkakatulungan kami sa isa’t isa. Makakatulong ‘yung character ko sa kanila, sila din sa akin. Mas kapana-panabik na, mas maaksyon,” giit niya.

Matatandaang naging bahagi rin si Osang sa FPJ’s Ang Probinsyano noong 2022. Masayang-masaya ang aktres dahil nakagawang muli ng isang serye. “Sabi ko nga, ito na siguro ‘yung right timing. Abangan n’yo po ako gabi-gabi para malaman n’yo kung gaano kaimportante ang karakter ko sa buhay ni Tanggol,” pagtatapos ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KARYLLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with