^

PSN Showbiz

Ogie, ni-report ang imbentong divorce nila ni Regine

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie, ni-report ang imbentong divorce nila ni Regine
Ogie Alcasid at Regine Velasquez

Nagpatulong si Ogie Alcasid na i-report ng isang fake news spreader na ikinakalat na ipinaaasikaso na raw nila ng misis niyang si Regine Velasquez ang divorce dahil sa pagtataksil.

Nag-share siya ng nasabing reel ng isang Facebook account na as if totoo ang kuwento tungkol sa kanilang mag-asawa.

“This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation. I report po natin ito,” bahagi ni Ogie sa Threads kung saan nga andun ang video na ginamit ng content creator na galit na galit daw si Regine dahil sa ginawang kalokohan ni Ogie. Ginamit pa ng content creator na malabo na raw magkapatawaran ang mag-asawa.

Isang malaking fake news ang chika ng nasabing content creator na siyempre ay more than a million na ang views.

Ba’t kaya nato-tolerate itong mga ganitong account samantalang, super fake ang mga chika?

Grabe ang raket ng fake account ngayon.

Ang dami kasi ngayong content creator kuno na pinasisikat ng ibang legit media.

Ilang beses na ring naging biktima si Ogie ng fake news sa social media and so far ay pinakamalala ito. Naging basehan daw ng isyung ito ang ginawa ni Regine Tolentino kay Ogie nang mag-guest ito sa It’s Showtime. Nakipag-dirty dancing daw kasi si Ogie kay Regine Tolentino na kumalat din ang video.

vuukle comment

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with