^

PSN Showbiz

Aktres, nabuking ang pagnenok ng phone ng kapwa aktres!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nagkita raw ang dalawang aktres na magkakilala sa isang skincare clinic. Nakatabi pa raw sila ng upuan at chikahan muna bago ang service na gagawin sa kanila.

Napansin ni Aktres B ang magandang phone ni Aktres A. Hiniram sandali at maya-maya big­lang umalis si Aktres A.

Hindi napansin ni Aktres B ang pag-alis ni Aktres A. Pero ilang sandali lang, bumalik at hinahanap ang phone.

Sabi ni Aktres B, ibinalik na niya ito kay A. Todo hanap sa bag ang aktres A.

Nang bigla na lang may nag-ring na phone! Narinig ni Aktres A! Hinanap ang nakita niya ito sa pagitan ng dalawang hita ni aktres B!

Nagulat si B dahil nailagay pala niya ito sa gitna ng kanyang hita, huh! Hu­mingi ng sorry si Aktres B na inismiran ni Aktres A!

Smile na lang ang gay personality na nakakita ng pangyayari sa dalawang aktres!

Sen. Jinggoy, ‘di sumagot kay Karen!

Wala pang sagot si Senator Jinggoy Estrada sa panawagan ni Karen Davila sa socmed account niya na, “Stop victim blaming” kaugnay ng public hearing sa Senado.

Wala mang sinabing pangalan, sa huling bahagi ng panawagan ni Karen, “Let me remind our senators, you serve the people. You are not God. Do not act like it.”

May kinalaman ito sa naganap na hearing kung saan si Gerald Santos ang tinanong.

Kami naman, more or less eh kilala si Senator Jinggoy at alam naming trabaho lang ang ginagawa niya at walang personalan kung sa tingin ng ibang tao eh harsh ang pagtatanong.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with