Jillian Ward at South Korean actor Kim Ji soo, may spark!
Totoo ang chismis! May oppa doctor sa APEX Medical Center! Kasunod ‘yan ng pagpasok ni South Korean actor Kim Ji Soo sa top-rating afternoon drama na Abot Kamay Na Pangarap.
Nitong Lunes (Aug. 19), nag-meet for the first time sina Doc Analyn at Dr. Kim Young. Very K-drama ang feels with matching slow-mo at chemistry overload sa pagitan ng mga karakter nina Jillian Ward at Kim Ji Soo. Mabilis tuloy ang pag-ship sa kanila ng viewers!
Kwento ni Jillian, “Magaling siyang actor. Very professional. Para sa aming lahat, nakaka-excite kasi Korean actor siya tapos pumasok siya sa show namin. ‘Pag kinausap mo siya, funny rin siya at mabait.”
Sagot naman ni Kim Ji Soo, “She’s a good actress and a good person, she’s bright and very energetic.”
Excited na ang avid fans ng show na malaman kung ano ang magiging papel ni Dr. Kim Young sa buhay ni Doc Analyn. Siya na kaya ang destined oppa ni Doktora?
Tutukan ang namamayagpag na seryeng Abot Kamay Na Pangarap, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
- Latest