^

PSN Showbiz

December Avenue, 15 years ang hinintay para sa major concert

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
December Avenue, 15 years ang hinintay para sa major concert
December Avenue

After 15 years, sasabak sa major concert ang five-piece indie pop / alternative rock band na December Avenue.

Magaganap ito sa Aug. 30, 2024, MOA Arena, directed by Paulo Valenciano.

Sold-out na as of this writing kaya’t magbubukas sila ng bagong section – standing room only (SRO) – upang ma-accommodate ang fans na umaasang mapapanood nila ang first major show ng December Avenue.

Sa Ilalim Ng Mga Bituin : December Avenue Concert ang pamagat ng nasabing major concert.

Aminado ang grupo na marami silang struggle bago talagang narating ang level ng career nila ngayon.

“Ang tagal na naming pinangarap ito. Matagal na namin itong pinaghahandaan,” ayon sa grupo.

Ang daming sikat na kanta ng December Avenue tulad ng Bulong, Sa Ngalan ng Pag-ibig, Huling Sandali (Tayo Sa Huling Buwan), Kung Di ‘Di Rin Lang Ikaw at Eroplanong Papel.

Spotify’s Most-Streamed Artist of the Philippines noong 2019 din ang December Avenue, at sila ang nasa likod ng Most-Streamed OPM Album of All Time - Langit Mong Bughaw.

Ang grupo ay binubuo nina Zel Bautista on vocals and guitars, Jem Manuel on guitars, Don Gregorio on bass, Jet Danao on drums and backing vocals, and Gelo Cruz on keyboards and bac­king vocals.

DECEMBER AVENUE

MUSIC

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with