^

PSN Showbiz

Piolo, lumaki sa Malacañang

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo, lumaki sa Malacañang
Piolo Pascual
STAR/File

Naibahagi ni Piolo Pascual sa publiko na lumaki siya sa Malacañang Palace. Bata pa lamang daw ay madalas nang nakapupunta noon si Piolo sa palasyo. “I grew up in Malacañang, just outside. My mom was working for Malacañang back then, in one of the offices there, one of the departments. So that was my environment when I was growing up that’s where I grew up,” kwento ni Piolo sa ABS-CBN News.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang aktor na magampanan ang karakter ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. “As an actor, as a celebrity, I want to take on something that people will learn from. A story that needs to be told,” giit niya.

Samantala, masaya raw ngayon si Piolo kahit walang karelasyon.

Sa edad na 47 taong gulang ay ang pagtatrabaho ang pinagtutuunan ng panahon ng aktor. “I’m happy where I am. At this point I never thought I’d stay single. But it is what it is. I don’t want to compromise my work by taking another thing. I’m just really concentrated on what I’m doing. As much as I’m married to my job. I enjoy what I do and I don’t feel that there’s something lacking in my life,” makahulugang pahayag ng aktor.

Julia, laging nasa simbahan

Likas kay Julia Montes ang pagiging madasalin. Sa tuwing may pagkakataon ay palaging nagpupuntang mag-isa sa kapilya ang aktres. “Adoration chapel, meron sa bahay. Paggising ko talaga wala ako munang gagawin kundi mag-pray. Medyo matagal akong mag-pray sa umaga. Minsan akala ng family ko natutulog ako. Parang ‘yon ang me time ko. I’ll just say whatever I want to say. Parang diary ko ang prayer sa umaga. I’ll say thank you, pinagdarasal ko na sana tulungan ako for that specific day. Then alam mo na guided ka na for the whole day. Whenever I feel stressed, I feel blessed, pupunta ako sa Adoration chapel. Magre-release lang ako, before ‘yon ang diary ko, nagsusulat pa ako. Pero ngayon diretso na, magpe-pray lang ako,” pagdedetalye ni Julia.

Lumaki bilang isang Christian ang aktres. Ngayon ay ganap na Katoliko na si Julia. Kahit nanggaling sa trabaho ay dumadaan muna raw sa simbahan ang aktres bago umuwi sa bahay. “Kunyari coming from work, kung ano ‘yung nearest, se-search ko na ‘yon, tapos dadaan na ako. Kasi lumaki ako sa Christian school eh. Then later on na-embrace ko na ‘yung Catholic. Parang ‘yung learning Catholic ka pa lang. Nando’n ako sa stage na ‘yon, inaaral ko ‘yung rosary,” dagdag ng aktres.

Marami nang pagsubok sa buhay ang nalampasan si Julia. Umaasa ang aktres na magsisilbing inspirasyon para sa ibang mayroon ding mga hinaharap na suliranin. “Gusto ko lang maging inspirasyon sa iba kong kapwa-kaedaran, na kapag you feel na you’re down or parang everything is not in your way, ‘yung pinaplano mo hindi nangyayari, always think baka redirection. Because sometimes we think na ito ‘yung gusto natin pero may better plan. So gano’n lang ‘yung mindset. Para hindi rin tayo mawawalan ng pag-asa,” paglalahad niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with