^

PSN Showbiz

Mpox at smog, kinatatakutan na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mpox at smog, kinatatakutan na!

Kakaloka. Natukoy ng DOH (Department of Health) ang isang bagong kaso ng monkeypox (na kilala rin bilang mpox) sa bansa.

Ang 10th laboratory-confirmed mpox case ay iniulat sa DOH noong Linggo, Agosto 18.

Ito ay matapos ideklara ng WHO ang mpox bilang global public health emergency sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.

Bukod dito, meron pang smog.

Sinuspinde ng DepEd ang face-to-face classes sa NCR at Calabarzon (Region IV-A) kahapon Lunes dahil sa smog mula sa pagbuga ng Taal Volcano.

Inutusan ng DepEd ang mga paaralan na magpatupad ng modular o online learning para matiyak ang tuluy-tuloy na pag-aaral sa mga apektadong lugar.

Hindi bongga ang ganitong mga chika sa ­ating kapaligiran.

Sana naman ay mag-ingat tayong lahat para hindi na kumalat ang mpox na isang sakit na dulot ng monkeypox virus. Ito ay isang impeksyon sa virus na maaaring kumalat sa pagitan ng mga tao, pa­ngunahin sa pamamagitan ng pagkalapit ng may ganitong virus, at paminsan-minsan mula sa taong may sakit na lagnat.

Idarasal ko rin na mawala na ang smog dahil talagang makikita mong kahit mainit ay hindi sumisikat ang araw dahil nga natatabingan ng smog.

Nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ng Taal Volcano.

Kaya hindi talaga ako lalabas ng bahay dahil sabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ito ay nagpapakita ng unhealthy levels of air quality sa ilang bahagi ng Metro Manila lalo na noong Linggo ng gabi.

Hay! Nakaka-miss na rin ang rumampa. Pero siyempre dahil sa edad ko na 77, iba na ang level ng lakas ng katawang lupa ko.

I-enjoy ko muna ang bahay at hospital dahil wala akong choice.

Ganun talaga pag nagkaka-edad.

‘Yun lang at babu na.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with