Sandro, kinasuhan ang nanghalay na contractors ng GMA!
‘Ako po ay na-rape’ - Gerald Santos!
Maaga pa lang ng Lunes ay dumulog na sa Department of Justice si Nino Muhlach kasama ang anak niyang si Sandro para pormal na magsampa ng kasong Rape Through Sexual Assault at Multiple Counts of Acts of Lasciviousness laban sa dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Richard Cruz at Jojo Nones.
May isinama pa silang dalawang witness na magpapatibay ng mga salaysay ni Sandro.
Mahigit 200 na pahina ang isinumite nilang affidavit, sinasabi ng abogado ni Sandro na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz na may kumpiyansa sila sa isinampa nilang complaint.
Hindi gaanong nagpa-interview si Sandro, pero sinabi lang niyang naniniwala siyang lalabas din ang buong katotohanan.
Medyo emotional naman si Niño nang nakapanayam ng media, dahil nakikita raw niyang araw-araw ay nahihirapan ang kanyang anak.
Gumaan daw nang konti ang pakiramdam niya dahil naisampa na ang kaso, pero nasasaktan pa rin daw siya para sa anak.
Pagkatapos sa DOJ ay tumuloy sina Niño sa Senado para daluhan ang pagpapatuloy ng pagdinig sa Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Sen. Robin Padilla.
Si Niño at isang abogado ang dumalo sa hearing, at sinamahan siya ng pinsang sina Aga at Arlene Muhlach.
Nasa zoom lang si Sandro kasama ang legal counsel niyang si Atty. Raz.
Hindi raw niya kasi kayang harapin sina Nones at Cruz. Pero humiling ng executive session si Sandro nang idinedetalye na ang ginawa sa kanya ng dalawang independent contractors.
Nandun din sa Senate hearing si Gerald Santos at doon niya isiniwalat na hindi lang sexual harassment ang naranasan niya sa isang musical director ng GMA 7 noong 2005, kundi na-rape raw siya.
Fifteen years old pa lang daw siya nung panahong ‘yun, at after 19 years, nagdesisyon na si Gerald na magsampa ng kaso laban sa musical director na nanggahasa diumano sa kanya.
Pagkatapos ng executive session, ipina-cite for contempt ni Sen. Jinggoy Estrada si Jojo Nones dahil sa pagsisinungaling daw nito sa nakaraang pag-imbestiga sa kanya.
Itinanggi niyang nag-alok sila ng financial contribution para sa charitable institution na gusto ni Niño. Pero nasa affidavit ni Atty. Annette Gozon-Valdez na ipinadala sa Senado na totoong nag-alok sina Nones.
“Lagi silang nagsisinungaling. May drugs pa involved. Dine-deny niya yung nagbigay siya ng 500 peso bill folded like straw. Tapos pinasinghot niya ‘yung bata…e first time lang nung bata. And there was really a sexual abuse, but they kept on denying it,” saad ni Sen. Jinggoy.
Hindi na idinetalye ni Sen. Jinggoy kung ano ang ginawa nina Nones at Cruz kay Sandro, dahil masyado raw malaswa and not for public consumption.
Ogie, may pang tapat sa international friends ni Martin
Nakakaaliw ang tsikahan namin kay Ogie Alcasid sa media conference ng anniversary concert ni Martin Nievera na The King 4ever.
Nabanggit kasi namin na gusto pala ni Martin Nievera na kumanta sa wedding nila ni Anj del Rosario kung sakali ay si Michael Buble. Akala namin joke, iyun pala magkaibigan pala talaga sila ng sikat na Canadian singer and songwriter.
Sabi ni Ogie, magkumpare raw ang dalawa, at marami raw talagang mga international singers na kaibigan ni Martin. Kagaya nina Kenny Loggins, pati si David Foster.
Pero siya naman daw ay may friends din siyang mga international star. Ipinagmalaki ni Ogie na friends sila ng sikat na South Korean singer na si Jae Park. Pati raw ang American actor at wrestler na si John Cena ay nagpa-follow daw sa kanya.
Naging friends daw sila ni Jae Park nang nag-post daw siya nung nasa ASAP siya suot ang Gucci jacket niya. “Meron ako Gucci na jacket, tapos pionost ng fan niya. Siguro 3 years ago pa to, 4 years ago.
“Tas sa ASAP, biglang nag-trend ako. Hindi naman nagte-trend pangalan ko. Iyun pala kasi meron din siyang jacket na ganun. Tapos, who wore it better. Tapos sinagot niya. Sabi niya ako daw, sabi ko siya. Hanggang nag-follow kami sa isa’t-isa.
“Nung pandemic, nag-live kami, nag-usap kami ng live, and we became friends,” kuwento ni Ogie.
Darating nga raw si Jae Park sa September 1 at inimbita raw siyang manood. “Ngayon, darating siya. Sabi ko, ‘hey bro, you’re coming. Sabi niya, yeah. Please watch, so in-invite niya ako September 1, somewhere. Manonood lang ako.
“Mabait siya, saka magaling siya mag-English. Binubuyo siya nung mga fans, ‘hey you have to meet Sir Ogie. He’s an icon,” dagdag niyang kuwento.
Nakakatawa rin ang tsika sa amin ni Ogie tungkol kay John Cena. “Pina-follow ako ni John Cena. Sabi ko, ‘totoo ba to? Siguro nagkamali siya.
“Ayoko naman i-flex kasi nahihiya ako. Nahiya ako. Kaya minsan nagjo-joke ako sa Showtime, ‘John Cena, how are you! Siguro either nagkamali siya o baka meron siyang nagustuhan na tinweet ko. Anyway, John Cena is my follower.”
Hindi pa raw niya sinubukang makipag-chat at baka dedmahin daw siya. “Nahiya ako e. Baka i-end follow ako,” natatawa niyang pakli.
Okay na raw na nagpa-follow daw sila sa isa’t isa ni John Cena.
- Latest