Dolly De Leon pinuri-puri ng American film director; Donny may Hollywood project?!
True ba na may Hollywood project si Donny Pangilinan?
Yup, in the bag na diumano ang nasabing project pero walang ibinigay na detalye ang kausap naming source.
Ang ganda raw ng feedback sa mga local artist natin sa Hollywood kaya talagang parang unti-unti nang nabubuksan ang opportunity ng mga Pinoy actor sa Amerika.
Kaya parang may semblance of truth ang kuwento ng kausap namin.
Tulad na lang ni Dolly de Leon at Liza Soberano. Ganundin si Lovi Poe. Napupuri raw sila ng mga nakakatrabaho.
Pero mas busy na raw talaga si Dolly. Nasa poster siya ng Jackpot starring John Cena and Awkwafina (American actress and comedian).
Aniya nga sa isang post : “Jackpot! was the first ever film I shot in Georgia! Actually in the whole of the U.S. and it was an out of body experience working with genius @paulfeig, director of my ultimate favorite comedy film, Bridesmaids. Not to mention Sean William Scott whom I would only watch in movies, I got to have the best fun with on set! And what a great crew we had too”
Streaming ito sa Prime Video.
At sinagot ang nasabing post ng American film director Pail Feig – “We love you, Dolly! Thank you so much for lending your amazing talents to our fun little film. You’re the best!”
So ano kaya ang nasabing project ni Donny?
Show ng actor sa America, nagbababa ng presyo ng ticket
Mahina pala ang concert ng isang actor sa Amerika.
Ang bagal daw ng bentahan ng mga ticket kaya naman nagbababa ng ticket prices ang producer nito.
Kaya’t dumami-rami raw ang audience nito ayon sa isang source na based sa US.
May history ng mahinang ticket sales ang actor na ito ‘pag may show sa ibang bansa.
- Latest