^

PSN Showbiz

Darren, susubukan sa Magpasikat

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Darren, susubukan sa Magpasikat

Doble ang pasabog ng madlang people ngayong Lunes sa pagdiriwang ng Showtime Online U ng ika-walong anibersaryo pati na rin ang pag-anunsyo ng It’s Showtime ng Magpasikat teams para sa ikalabing limang anibersaryo ngayong taon.

Sampung linggo na nga lang ay mu­ling matutunghayan ang friendly competition ng hosts sa taunang Magpasikat kaya huwag palampasin kung sinu-sino ang magkaka-team sa kanila. Abangan kung susuwertehin si Darren Espanto sa kanyang unang Magpasikat

Samantala, walong taon na rin na extended ang saya ng madlang people hanggang online show dahil na rin sa hatid na araw-araw na good vibes ng It’s Showtime Online U hosts na sina Wize Estabillo, AC Soriano, Nicki Morena, Lorraine Galvez, JM dela Cerna, Marielle Montillano, Anthony Castillo, Anne Tenorio, Jannah Alanise at Mackie Empuerto. Bongga rin ang pagpasok ng dating TNT Kids finalist at isa sa New Gen Kapamilya singers Sheena Belarmino sa SOU family  samantala nagbalik din ngayong taon ang dating Bidaman first runner-up na si Eris Gonzaga.

Abangan ang kanilang pasabog na opening number sa kanilang performances ng mga kanta ng BTS, SB19, at BINI. Tuluy-tuloy niyo rin silang mapapanood buong It’s Showtime sa kanilang pagsali sa iba’t ibang segments.

Hindi naman natatapos ang mga pasabog sa Lunes dahil dapat din abangan ang SOU araw-araw sa chikang hatid nila sa MagpaCHIKA kung saan magkakaroon ang madlang people ng pasilip sa kaganapan sa darating na Magpasikat 2024.

vuukle comment

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with