^

PSN Showbiz

Ogie inaming pinaglihiman ng anak, may rebelasyon sa pagpo-produce ng concert ni Martin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie inaming pinaglihiman ng anak, may rebelasyon sa pagpo-produce ng concert ni Martin
Ogie Alcasid.
STAR/ File

Sa 2023 Kapamilya Christmas party nabuo ang The King 4Ever ni Martin Nievera na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Sept. 27.

Ang A-Team ni Ogie Alcasid ang producer along with Cacai Velasquez ng 42nd anniversary ni Martin sa entertainment industry

Naalala ni Ogie na nasa isang dressing room sila ni Martin nang pag-usapan ang plans for 2024. “So, I kind of asked him kung ‘when are you doing your concert?’ He actually didn’t know, so sabi ko, ‘o, let’s produce your concert.’ So, sabi niya, ‘ikaw, kung gusto mo.’ Akala niya, hindi ako seryoso,” rebelasyon ni Ogie.

At dun na nga nag-umpisa ang lahat.

Why Martin? “Well, Gary (Valenciano) was not avai­lable,” joke ni Ogie sa ginanap na mediacon last Thursday sa Solaire North Skybar.

“Ganyan siyang kaibigan,” hirit ni Martin na tumatawa.

“You know, si Martin, he’s very humble. He doesn’t wanna be called ‘king.’ But he is our king, he is our Concert King, so if he doesn’t wanna say it, I will say it,” pagseseryoso na ni Ogie.

Naiintindihan naman ni Ogie kung bakit takot na si Martin na mag-concert sa malaking venue na nabanggit niya during the presscon din.

Fear aniya ‘yun ng lahat ng artist. “Alam mo, fear lahat ‘yan ng artists. So, as an artist, I can totally identify with that. But we’re here. Sabi ko nga sa kanya, we’re here behind him, ‘you have a great team behind you, and we’ll make sure that all your subjects as a king, we’ll be there,” na ikinatawa ng concert king.

“II think the energy is set right by Martin, that you know. I like what he said—that he’s in a good place. I like what he said: that he’s okay, that he feels good, and I think that’s the best position to be as he prepares for, as he says, his biggest challenge,” dagdag pa ni Ogie.

“You know, it’s also a big challenge for us as a producer but I think, in life, you have to do things that really scares you, otherwise, your life will be totally boring.”

Pero sama-sama raw silang haharapin ang takot na ‘yun.

Samantala, umamin din ang singer / composer / producer na sumama nga ang loob niya sa anak na si Leila nung umalis ito ng bahay at sumama sa boyfriend na si Mito Fabie / Curtismith.

Nabanggit ito ni Ogie sa It’s Showtime last week, sa segment na EXpecially For You, kung saan napag-usapan ang pakiramdam ng magulang kapag ang anak ay umaalis na sa poder nila.

“Ito naman ay open naman ito, ‘yung panganay ko actually bumukod, na ikinasama ng loob ko at sinabi ko sa kanilang dalawa ng boyfriend niya, ‘Bakit hindi kayo nagsabi sa akin?’

“E alam mo naman ang kabataan, hindi magsasabi ‘yan e at lalo mong pipigilin, gagawin pa rin nila.

“Hanggang sa sinabi ko, ‘Alam n’yo, masama ang loob ko sa inyo na nagawa n’yo yan. Pero gayunpaman, kayo ay nag-a-adulting na, gawin n’yo ‘yan, bahala na kayo sa buhay n’yo,’” banggit ni Ogie sa Showtime.

Pero aminado siya, hindi mo naman pwedeng pigilan ang anak sa gusto nitong gawin.

“Kasi bilang magulang, hindi mo talaga mapipigilan ‘yung anak ninyo e. Kahit ano’ng gawin ninyo, gagawin at gagawin nila. So kami bilang magulang, nandiyan lang kami, naghihintay lagi kung kailan n’yo gusto bumalik.

“Halimbawa lang, may nangyari sa kanila na hindi sila magkatuluyan, nandoon ka pa rin mag-aabang, ganun ang role namin.”

Si Michelle Van Eimeren, first wife ni Ogie na former beauty queen ang ina ni Leila.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with