^

PSN Showbiz

Ka Tunying’s, pulos pasasalamat sa kanilang 9th annniversary

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Para sa Ka Tunying’s, ang number 9 ay kumakatawan sa mahabang buhay at kaligayahan na kanilang ipinagdiriwang ngayon.

Yup, ang Aug. 18, 2024, kahapon nga, ay nine years na silang nagpapa-happy tummy sa pamilyang Filipino na mahilig sa lasang Pinoy.

Pinagsasama-sama nila sa ‘Panlasang Makabayan’ ang mga pamilya – from traditional favorites to modern interpretations, binabalik-balikan pa rin ang sarap nila.

Sa loob ng 9 na taon, napatunayan ng Ka Tunying’s na ang pagmamahal at pag-aa­laga sa pamilya ay magpapalakas ng isang negosyo, lalo na kapag sinamahan mo ng dedikasyon at hilig sa serbisyo.

Nagsimula ang lahat noong 2004, nang magkaroon ng legacy ang isang maliit na panaderya sa Nueva Ecija. Sa ilalim ng pangalang Tunying’s Kape, Tinapay, at Iba pa, isang pangarap ang isinilang.

At noong 2015, isang malaking hakbang ang pagbubukas Ka Tunying’s Cafe ng unang sangay nito sa Visayas Avenue.

Suwerte dahil pumatok ito sa maraming mahilig kumain.

Kaya bilang pagtugon sa mainit na pagtanggap, mas lumawak ang brand noong 2016, ipinakilala ang mga kiosk at pop-up store sa mga airport terminal, na pati foreigner ay nakikipila.

Nagpatuloy ang ebolusyon noong 2018 nang lumipat ang Ka Tunying’s mula sa isang cafe patungo sa isang full-service na restaurant.

This expansion marked the beginning of their journey to connect with more families across the region.

At taong 2019  opisyal nilang ilunsad ang Ka Tunying’s official tagline, Panlasang Makabayan, na isang pagpupugay sa mayaman at sari-saring lasa ng Filipino na nagbibigay ng saya sa bawat hapag kainan.

Sa parehong taon, pinalawak ng tatak ang abot nito sa Tagaytay, kung saan pinainit nito ang sikmura ng mga parokyano sa sikat nitong bulalo, na sakto sa malamig na klima sa nasabing lugar.

Nang tumama ang pandemya noong 2020,  inangkop nila sa pamamagitan ng pagtanggap sa online selling at Reseller Program na nakatuon sa mga produkto ng Bakehouse ni Ka Tunying’s. Lumawak din ang brand sa mga retail supermarket, convenience store, at iba’t ibang outlet. Pagsapit ng 2021, ang opisyal na mascot ng Ka Tunying’s - Tonton, ay naging pamilyar.

Nagpatuloy ang paglalakbay ng paglago noong 2022 nang ipinakilala ng kumpanya ang catering sa mga special occasion.

Ngayong 2024, Ka Tun­ying’s continues to expand its presence and partnerships, working alongside Uncle John’s, Dali, Victory Liner, Genesis Bus Liner, and numerous small coffee shops nationwide.

Sa ngayon ay pulos pasasalamat sina Anthony at Roselle Taberna sa mga hindi nagsasawa sa kanilang pagkain.

To learn more about Ka Tunying’s, customers can visit their new website at katunyings.ph, follow them on Facebook or Instagram at @katunyingsph, or call 8366-1342.

vuukle comment

TUNYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with