^

PSN Showbiz

Marco at Cristine, split na rin?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Marco at Cristine, split na rin?!
Marco at Cristine
STAR/File

MANILA, Philippines — Na-fake news ang mga nag-assume na hiwalay na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes dahil wala ang aktres sa birthday salubong para sa 30th birthday ng aktor noong Aug. 14. Nasundan pa ang balitang break na ang dalawa nang i-deactivate ni Cristine ang kanyang Instagram account.

Kaya sa halip na i-greet lang si Marco ng happy birthday, mas marami pa ang nagtanong kung sila pa ba? May mga tanong pa kay Marco kung bakit wala ang GF sa birthday celebration niya. Kahit may sumagot na busy ang aktres sa shooting ng Metro Manila Film Festival entry, hindi pa rin natigil ang mga nag-iimbestiga kung sila pa ba?

May mga nagpahayag pa nga nang panghihinayang dahil bagay raw sila physically, hindi lang daw nila alam kung emotionally ay ganundin.

Naalala kasi ng fans ang inamin ni Cristine sa isang interview na selosa siya at paranoid at baka sa puntong ito sila nagkaproblema.

Pero, may fan na nagtsika na naka-follow pa rin si Marco sa private account ni Cristine sa IG nito at sa IG story ni Marco, may post siya na picture nila ng aktres kasama ang isang kaibigan.

Tama naman dahil kahapon, may post si Cristine sa Facebook, photos nila ni Marco at may caption na “Mahal ko yan. 30 na siya.” Ikinatuwa ito ng shippers ng couple knowing na hindi pa pala sila break.

May mga nainis din dahil nang-goodtime lang daw ang dalawa.

May nag-akusa pa kay Cristine na nagpapaingay lang dahil may MMFF movie siya. May mga hindi naman naniniwalang siya ang nag-post sa FB at baka fan lang nila ni Marco at may nanigurado pang break na talaga ang dalawa.

Jowa ni Carlos, bumida ang pagiging braless!

Walang pinapalampas ang netizens sa mga kilos at ginagawa ni Chloe San Jose, ang controversial girlfriend ni Carlos Yulo, dahil pati ang pagiging braless nito habang nasa eroplano pabalik ng Pilipinas pinansin.

Aliw ang comment ng isang netizen na “May pa braless si Madam” na naging dahilan ng iba na i-zoom in ang picture niya.

Nakita nga nilang braless siya, pero silang dalawa lang naman ni Caloy ang nasa picture, wala silang kasama. Sa isa ngang photo, tinakpan niya ng mga braso ang chest area niya.

May comment pa na “Free the nip ang peg” niya at ang wish na sana worth it ang pagdami ng kanyang bashers, mai-monetize niya para hindi sayang ang pamba-bash sa kanya.

In fairness sa kanya, hindi talaga siya nagpapatalo sa mga basher at ‘yung nag-akusa sa kanyang Grade 12 lang ang inabot niya sa Melbourne, kanyang sinagot. Pati ang nagtanong kung paano niya na-afford ang business class.

“Huhhh grade 12 lang tinapos? Sorry, I did a course on being an enrolled nurse and now ta­king up my bachelor of psychological sciences- get your facts right. I don’t have to explain every single bit of my income, just know that I CAN AFFORD IT MYSELF lol.”

Mommy Dionisia, na-misinterpret!

Dahil nagpahayag ng kanyang opinyon sa away pamilya ng mga Yulo, tinawag na “sawsawera” si Mommy Dionisia. Sinabi lang naman ng nanay ni Manny Pacquiao na mahalin ni Carlos ang ina at ‘wag magtampo rito, ang dami nang sinabi ng netizens.

‘Wag na raw pakialaman si Carlos, lalo na at magkaiba ang pamilya nila at iba ang kanilang kuwento sa buhay.

Hanggang may magpaalala na hindi nakikialam si Mommy Dionisia, nagpayo lang siya kay Carlos na actually, ang dami na ngang mga nagpapayo sa double gold medalist na ‘wag talikuran ang ina.

But of course, si Carlos pa rin at ang nanay niya ang magde-decide kung kailan sila mag-uusap at magkakabati.

vuukle comment

CRISTINE REYES

MARCO GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with