Dating Miss Body Language Pia Moran, hindi nagkaasawa at nagkaanak
Nasa bansa pala ang dating Miss Body Language na si Pia Moran. Sixty-one years old na siya sa kasalukuyan.
Matagal-tagal na rin pala siyang nasa Amerika. Habang nasa bansa, nakatira siya sa bahay ng former sexy star din na si Katrina Paula.
Kumusta na siya ngayon?
“I’m okay right now, happy,” sabi ni Pia sa isang chance interview.
Nag-comeback ka na sa showbiz? “I hope makapag-comeback din. Meron akong huling ginawa. Iyong papalabas pa lang, ‘yung Lola Magdalena starring Gloria Diaz. Tungkol ‘yun sa mga lolang pokpok, directed by Joel Lamangan,” sabi niya sa amin.
So anong work mo ngayon? “Wala. Babalik ako sa US.”
So matagal ka sa US? “Oo, 5 months ako sa Pilipinas.”
Sino kasama mo sa US? “Ang sister ko saka mga brother ko.”
Hindi na raw siya nagkaasawa at nagkaanak.
Hanggang ngayon, aniya ay sumasayaw pa rin siya ‘pag may mga special occasion.
Naapektuhan noon ang mukha ni Pia sa isang aksidente.
- Latest