^

PSN Showbiz

Baron, BI ang happy birthday sa anak kay Nadia!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Baron, BI ang happy birthday sa anak kay Nadia!
Baron Geisler

Kahapon ang 18th birthday ng anak ni Nadia Montenegro na si Sophia Angela Asistio, na anak niya sa aktor na si Baron Geisler.

Nag-post si Baron noong isang gabi ng video bilang pagbati para sa isang tao at sinabing “Hey, you, I just wanna greet you a happy birthday,” pero wala siyang binanggit na pangalan.

Pero nagka-ideya ang mga nakakita nito dahil nga kasabay ng pag-post niya ay ang kaarawan ng anak nila ni Nadia.

Maaalalang nilantad ni Nadia sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda nakaraang buwan ang katotohanang may anak siya sa aktor.

Ito raw ay to “put an exclamation to everything” dahil hanggang ngayon daw ay pinagpipiyestahan ang kanilang buhay.

Doon inalala niya kung paano isiniwalat ng isang tao ang tungkol sa buhay niya na wala raw karapatan noong panahong iyon. Inaayos daw niya ang lahat noon pero hindi man lang daw inisip ng tao na iyon ang pinagdaraanan niya at ng mga anak niya at kung ano ang pwedeng mawala sa kanya na alam naman daw ng mister niyang si Boy Asistio noon.

Doon ikinuwento rin niya kung bakit tumagal nang ganito bago niya isinawalat ang katotohanan dahil binigyan niya ng unlimited chances para magbago ang tatay ng anak pero hindi pa nagkita ang mag-ama dahil nga raw sa drunk messages na pinapadala ng anak.

Masama ang loob niya dahil nagpa-interview rin ito nang hindi nila alam.

 Alam daw kasi ni Nadia na sila ang tinutukoy nito kahit wala itong binanggit na pangalan.

Na-bully pa nga raw ang anak dahil doon.

Pero ngayon nga tila pinagmamalaki nito ang anak at kinikilala ito. Mukhang hinihintay lang nito ang go signal nina Nadia at Sophia para magkita na silang mag-ama.

Well, mas bongga kung aayusin nila ‘yan na hindi na kailangang idaan sa social media alang-alang sa anak nila.

ACTOR

BARON GEISLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with