^

PSN Showbiz

Mon Confiado, hindi pinalampas ang content creator na nag-imbento ng kuwento

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mon Confiado, hindi pinalampas ang content creator na nag-imbento ng kuwento
Mon Confiado

Hindi pinalampas ng actor na si Mon Confiado ang isang content creator na sinira ang kanyang pangalan sa isang post.

Dumulog siya sa NBI at kinasuhan niya ang nasabing content creator na nakita niya sa isang supermarket pero pinalabas siyang walang hiya.

Kaya naman, tinuluyan niya ito.

Umpisa ni Mon : “Dear Mr. Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto alias ILEIAD

“Nawa’y maging aral sa iyo ito at sa ating lahat. Na ang paggamit ng pangalan at larawan ng walang pahintulot ay krimen. Na hindi lahat ng jokes ay nakakatawa at hindi lahat ng jokes ay para sa lahat. Dapat sana ang joke ay nakakapagpasaya at hindi nakakasira ng tao.

“Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD,

“Ako ay isang tahimik na tao. Never na nasangkot sa kahit isa o anumang mang gulo sa buong buhay ko. Wala ako ni isang kaaway o nakaaway man lang. Ako ay tahimik na nagtratrabaho lamang bilang aktor. At bilang aktor, ang aking pangalan ay aking pinagkaka ingat-ingatan dahil ito ang aking puhunan para ako ay makakuha ng trabaho. Ngunit ako ay nagulat dahil biglang direktang ginamit mo ang aking pangalan at larawan ng walang pasintabi sa isang joke na tinatawag niyong “copypasta”.”

Dagdag pa niya : “Ang problema… kahit ito ay isang joke o “meme” lamang, hindi pamilyar ang lahat ng tao dito at ito ay ipinost mo sa “Facebook”. At alam mo naman ang mga tao ay napakadaling maniwala sa mga ganyang posts. Siyempre ang ilan dyan ay maniniwala at ire-repost agad dahil katulad mo ay gusto lang din makakuha ng mga likes kahit may masagasaan. Ako ay may mga ginagawang pelikula, may mga endorsements at may on-going na transaction para maging “brand ambassador” ng isang produkto. Paano kung dahil sa maling pagkakaintindi sa joke mo ay maapektuhan ang aking mga trabaho? Dapat ba ay tumahimik lang ako? Dapat ba ako pa ang mag adjust at pabayaan ko na lang at huwag na ako mag react?

“Mr. Jeff Jacinto, uulitin ko, ako ay nananahimik at ginulo mo. Pero nung nag comment ako sa post mo at sa messenger mo, sinabihan mo pa ako ng “is this a threat”? Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi. Oo. Nagpublic apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo. At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama.

“Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO. Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed.

“Lubos na gumagalang,

“Mon Confiado”

Ayan kasi ngayon lahat content creator ang pakilala.

May nakita lang na isang artista, nagpapanggap na agad na creator sa social media.

Minsan kahit wala sa katwiran ang ibang content creator, talagang nilalaban nila.

vuukle comment

ACTOR

MON CONFIADO

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with