Karylle, naulila sa ama!
Nagluluksa ang It’s Showtime host sa pagpanaw ng tatay niyang si Modesto Tatlonghari.
Ibinahagi ng anak ni Zsa Zsa Padilla ang mga litrato sa burol nito at kanilang pamilya. Sa caption, mahaba ang naging pag-alala niya roon at binalikan niya ang magagandang alaala ng ama na kilala bilang “Papa M, Doc, Dr. ‘M,’ Moy, Tito M.”
Great guy at lagi raw nitong pinapasasaya ang araw ng mga nakakasama nito. Baguio boy at heart, at Laguna lad daw ito at naging topnocher din sa dental board at mahilig daw ito sa basketball ang ilan sa paglalarawan niya sa tatay na doctor.
Kung isa ka raw sa mga paborito nito ay siguradong marami kang alaala at kwento tungkol doon dahil hindi nito pinararamdam na magkalayo kayo.
Mahilig daw itong kumuha ng litrato at meron itong safe na puno ng mga photo. Kaya sa mga ka-close nito siguradong meron itong kuha ng litrato na ipamimigay raw ni Karylle sa mga ito dahil nasa puso ang mga ito ng ama.
Napakarami raw nitong naging pasyente at para raw mga dating kaibigan sa school ang pakiramdam niya tuwing nakikita ang mga ito uli.
Nagpasalamat naman si Karylle na napanood ng tatay ang kanyang play ng hindi lang isa kundi apat na beses na napakahalaga raw sa kanya.
Mother Lily, ‘di nakalimutan ng mga tinulungan
Sigurado ako na masaya si Mother Lily Monteverde dahil halos lahat ng mahal niyang alaga nag-pay respect during her wake.
Talagang mahirap kalimutan ang lahat ng nagawa niya sa showbiz life ng bawat isa sa taga-pelikula. Iba talaga ang naging influence niya.
I am so happy hindi nakalimutan iyon ng mga tinulungan niya. That will make her memories more relevant.
She was not only a producer, star maker, a frontliner sa industriya. Isa siyang tunay na tao na nagmahal sa mga nakapaligid sa kanya. It will take a long time to forget her, erase what she had done.
Mother Lily we will always cherish your memories, promise.
- Latest