^

PSN Showbiz

Angeli, pinatawad ang amang nang-abuso

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeli, pinatawad ang amang nang-abuso
Angeli Khang!
STAR/ File

Kinikilala ngayon si Angeli Khang bilang Reyna ng Sexy Films o Vivamax Queen dahil sa mga ginagawang proyekto. Hindi raw inakala ng sexy actress na maaabot niya ang tagumpay na tinatamasa ngayon. “Actually, I never looked at myself will be like that in the future. Hindi ako makabilib na, ‘Vivamax Queen na ba talaga ako? Ako ba talaga ‘yon? Nakaya ko ba talagang gawin ‘to lahat?’ For three years of acting naging Vivamax Queen ako agad. I’m dealing with it right now by every work that I do sa shoo­ting. I give it my 110%. I want to see myself succeed as much as possible. But given a chance kung ano man ang ibigay sa akin I’m gonna accept it. But I’m happy that I crossed over sexy,” nakangiting pahayag sa amin ni Angeli sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aminado ang dalaga na maraming natatanggap na indecent proposals mula sa hindi kilalang mga kalalakihan sa social media. “Yes, Tito boy, a lot. Maraming nagme-message sa Instagram ko. Ang Facebook ko in-off ko na lahat ng messages sa pages ko. And there are times na nagme-message sa other friends ko na meron akong client, pupunta raw ako sa Okada pero nasa shooting naman ako. Kaya after knowing about that, every time kapag nasa shooting ako, lagi akong nagpo-post na nandito ako, nagwo-work ako. Hindi ako ‘yung sinasabi ng mga bashers, mga posers na meron akong mga client, ganyan. Nada-down ako, na I’m working hard to be seen as an actress. And I do my work very professio­nally. Sobrang sineseryoso ko ang work na ito,” pagtatapat niya.

Samantala, hindi naging madali para kay Angeli ang kanyang mga pinagdaanan noong kanyang kabataan. Nakaranas ng pang-aabuso ang aktres mula sa amang military officer.  “Opo, physically abused. Kahit anong makita, Tito Boy. Iba siguro, sobrang military discipline talaga si dad. Hindi matatapatan ang motherly love. But a father’s love is uptight. A father’s love is very different from mother’s love. It became too much for us to handle, and my older brother. One time merong dos por dos because he owns a construction company there. No’ng nakita niya ‘yung dos por dos, sinaktan niya kaagad ‘yung kuya ko, pinalo sa likod. And lumabas po sa likod ng kuya ko, hindi lang purple. The reason was only may pinapa-solve si daddy na math. My brother, hindi niya kaagad nasagot, tapos pinalo kaagad. No’ng hindi na kinaya ng kuya ko at umuwi na siya ng Pilipinas, hindi ko inaamin sa dad ko na alam ko na umuwi si kuya, dahil si kuya tumakas siya kay daddy. Gusto ako paaminin ni daddy, ang way niya sa akin, bigla niya ako nginudngod sa hugasan ng mga plato. At one week niya akong hindi pinakain. Since may farm kami do’n, may garden kami, ang kinakain ko every time na pinapakain ko ‘yung aso, pumipitas ako ng avocado, orange, apple. One week akong hindi kumain. Kapag nakikita kong kumakain ‘yung aso, ‘Ang sarap naman ng pagkain ng aso. Kainin ko na lang kaya ‘to,’” pagbabalik-tanaw ng sexy star.

“Also umaabot ako sa time na pumapasok ako sa school na may pasa. Hanggang sa pinakadulo, hindi ko nalalabas ‘yung kulit ko sa school, 3 to 5 years. I actually thought that was a normal parenthood thing. Kapag nagkamali ka normal lang na saktan ka ng tatay mo, ng parents. Hindi ko na-realize na sobra, sobra na pala. Hanggang sa na-realize ko na lang na pumapasok ako sa school na may pasa, dumudugo ‘yung kamay ko. Ang lagi lang sinasabi sa akin ni daddy to comfort me, ‘I want the best of you,’” dagdag pa niya.

Napapaiyak na lamang umano ang aktres sa tuwing sasaktan ng kanyang ama noon. Ang kaklase pa noon ni Angeli ang nagsumbong sa kanilang titser kaya nalaman ang tungkol sa pang-aabuso ng ama. “Sinumbong ng classmate ko sa teacher ko na sinasaktan ako ng daddy ko. ‘Yung counsellor sa school gustong makausap si daddy. When my dad knew about that, the day after umuwi na ako ng Pilipinas. Doon na nalaman ni mama lahat ng ginagawa ni daddy sa akin. Kasama ko si daddy, ni-call niya si mama na kunin mo na ‘yung anak mo. Pag-aralin natin dito sa Pilipinas, kahit anong gusto niyang school, susuportahan ko pa rin siya. Pero pagpasok ng mom ko, nakita niya kung gaano ako kalanta, walang buhay. No’ng nalaman ng mom ko nag-file niya agad ng case ang dad ko. Baby pa lang ako, ako ‘yung favorite ni daddy, ako ‘yung spoiled than my brother. Kaya akala ng mom ko kapag nagpunta ako ng U.S. okay ‘yung future ko,” pagbabahagi ng dalaga.

Nagsampa ng kaso ang ina ni Angeli laban sa ama ng aktres. “2019, before pandemic, ‘yung case na finile namin, it took a lot of years. Ang daming dilemma na nangyari but good thing nag-push through siya and 2020 or 2021 yata nung natapos, no’ng na-file na ang warrant of arrest ‘yung dad ko. Thankful din sa career ko ngayon dahil mas naging easy ‘yung pag-file ng kaso sa dad ko. Naawa sa akin ang mga tao. Pagbalik ng dad dito sa Pilipinas, may warrant of arrest na siya, huli na siya,” paglalahad ng sexy actress.

Ayon sa Vivamax actress ay napatawad na rin niya ang amang nang-abuso sa kanya noong kabataan. “Yes, and maybe now he’s 70 plus, 80 years old. There will be judgment kung hindi man siya ma-judge dito sa mundo. And I believe in God, there will be judgment,” emosyonal na pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)                                      

ANGELI KHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with