^

PSN Showbiz

Aktres at male celeb na parehong kontrobersyal, sa Europe nagsasama

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Parang ayaw pa rin naming maniwalang may namumuong relasyon sa dalawang kontrobersyal na celebrity. Hindi sila napagdududahan dahil tahimik lang at hindi naman sila nakikitang magkasama.

Pero may panahon sila sa isa’t-isa kapag nasa ibang bansa.

Busy si aktres sa regular show, pero lingid sa kaalaman ng lahat ay umalis pala ito patungong Europe na kung saan ay nandun din si male celebrity na nali-link sa kanya.

Nakaligtas sila sa matitinik na mapanuring mata ng netizens kaya hindi sila nakukunang magkasama.

Pero alam na raw ito ng mga malalapit nilang kaibigan, pero tahimik lang talaga at hindi mo sila mapapaamin kung matagal na ba ang relasyon ni male celebrity at ni kontrobersyal na aktres.

Inigo, nag-tagalog sa Hollywood film na ginawa

Maganda ang collaboration ng Heaven’s Best Entertainment at ng BenTria Productions, ang Fatherland na ididirek ni Joel Lamangan.

Malalaking artista ang involved na ang paliwanag ni direk Joel sa story conference nito nung Sabado ay tatlong vignettes daw ito na kung saan tampok ang mga bigating artista.

Bida rito sina Allen Dizon at Inigo Pascual na gaganap na mag-ama.

Pero bida rito sina Richard Yap, Angel Aquino, Ara Mina, Max Eigenmann, Jeric Gonzales, Jim Pebanco, Abed Green, Yasser Mata, Ara Davao, Bo Bautista at mga kasamahan ni direk Joel sa Batang Quiapo na sina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral.

Mabigat na project ito para kay Allen Dizon na tila nakasanayan na niya. Pero magandang comeback movie ito kay Inigo Pascual pagkatapos niyang mag-focus sa showbiz career sa America.

Sabi ni Inigo, iba pa rin daw talaga ang challenge sa acting career dito sa Pilipinas kesa sa America.

Aniya, “Masasabi kong mas challenging dito sa Pilipinas kasi mas may puso.

“Ang acting po kasi dito sa Philippines, mas malalim ang pinanggagalingan. Mas may hugot.

“Again, I can’t really say so much because I only have two projects in the States. Having really worked enough projects in the States to say in comparison. But on my experience, mas ‘yung preparation para sa pelikula, para sa teleserye, mas ahh heavy po ang pressure sa artist.”

Pagkatapos ng series doon sa US na Monarch, may nagawa pa pala siyang pelikula na kung saan ginampanan daw niya ang maliit lang na role, isang Pinoy terrorist at Tagalog daw ang dialogue niya. Natapos na raw niya ang pelikulang Homestead na hindi pa nagkaroon ng theatrical showing.

“Nung nag-audition ako para dito tas nakuha ako, sobrang dream come true kasi nakapag-Tagalog ako sa Hollywood film.

“And that’s one check-up sa bucket list, kasi pangarap ko na makapagsalita ng Tagalog sa ibang bansa na pelikula.   “’Yung kaeksena ko kasi si Kuya Mark, tagalog din po,” sabi pa ni Inigo.

Thankful din sya na naibigay sa kanya itong magandang project na Fatherland dahil maganda ang script, magagaling ang co-actors niya at ididirek pa siya ni Joel Lamangan.

“Si direk Joel po sinasabi lang niya sa akin na huwag lang ako matakot magtanong. At kahit laging sinasabi ng mga actor na nakakatakot si direk Joel. Kanina sabi ko kinakalma ko lang, bukas na kasi 'yung shooting namin. Okay let’s go, bahala na,” napangiting pahayag ni Inigo.

Naikuwento na rin daw niya ito sa Papa Piolo Pascual niya at masaya siyempre para sa kanya.

“My Dad was excited, my Dad was very very excited knowing that I’ll be working again in the Philippines.

“Sabi nga niya, it’s good to see you, you know, working in the Philippines again, and kinuwento ko nga na si direk Joel ang makakasama ko, and he was very happy.

“My Dad is always excited every time I get to work with people that he’s work with. And nakakatuwa din na lagi nilang sinasabi nila na ‘uy regards sa tatay mo.’ So ang sarap sa pakiramdam rin na nakatrabaho na ni Papa ‘yung mga nakatrabaho ko,” dagdag na pahayag ni Inigo Pascual.

INIGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with