^

PSN Showbiz

Kim, aprubado ni LJ kay Paulo?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kim, aprubado ni LJ kay Paulo?!
Kim Chiu at Paulo Avelino.
STAR/ File

Para sa KimPau fans, sign of approval daw sa relasyon nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang pagpa-follow ni LJ Reyes kay Kim sa Instagram. Ikinatuwa ‘yun at ikinakilig ng KimPau fans at lalo pa silang kinilig nang i-follow ni Kim si LJ. They follow each other na in IG, samantalang, hindi pina-follow ni LJ si Paulo.

Mababasa ang mga comment ng KimPau fans gaya ng “Wait paano kumalma LJ Reyes is now follo­wing Kim. Aw so confirmed talaga Eyy,” “Super kilig. That is such a sweet gesture coming from her,” “I admire LJ Reyes for this. She knows her son will be in good hands with her...#KimChiu,” “Sa­sabog na ang puso ko! Ang OA ko na,” at “Oh gosh I love how Kim was really able to enter Paul’s world in a short span of time.”

Dahil dito, mas naniwala ang KimPau fans na kasama nga ito ni Paulo nang bisitahin niya ang anak na si Aki sa New York at ipinakilala niya ito sa anak. Naikuwento raw ‘yun ni Aki sa mom niya, kaya nag-follow na si LJ kay Kim.

May mga nag-comment nga na OA ang ibang KimPau fans, in-assume na in a relationship na sila dahil lang naka-follow si LJ kay Kim at nagpa-follow na sila sa isa’t isa. Wala pa naman daw ina-announce ang KimPau kung sila na, tapos ang fans, kung anu-ano na ang naiiisip.

Kawawa raw si Paulo kapag napatunayan na for reel lang ang love team nila ni Kim, sigurado raw na maba-bash ang aktor. Sa ngayon, hayaan muna natin ang KimPau fans na masaya at kinikilig.

Karylle, inulan ng pakikiramay

Pumanaw na ang ama ni Karylle na si Modesto Tatlonghari, in-announce ito ni Karylle kahapon at nag-post ng photos sa wake ng ama sa Santuario de San Jose Parish, sa Greenhills.

Kabilang si Sharon Cuneta sa nagpaabot ng condolences sa kanya. “Dearest Baby K, our deepest condolences on the passing of M... Mama will be with you ASAP... Stay strong anak... You’ve been a source of nothing but pride and joy for both your Papa and Mama all your life... We love you so very much... Ninang.”

Makikita sa IG ni Karylle ang maraming nagpaabot ng pakikiramay sa kanya at ramdam na marami ang nagmamahal sa dad niya. Pati mga pasyente nito, nakiramay rin sa kanya sa pagpanaw ng ama.

Barbie at David, memoryado na ang pagkikita

In-announce pa lang na malapit nang muling magkita ang adult character nina Barbie Forteza at David Licauco sa Pulang Araw, kinilig na ang BarDa fans. Matagal na nila itong hinihintay at ngayong dumating na, tiyak na gabi-gabi na sila tututok sa historical drama series ng GMA 7.

Memoryado na nga ng fans ang exchange of dialogue nina Adelina (Barbie) at Hiroshi (David) sa napanood nila sa teaser a kanilang pino-post. Kahit daw kay Jak Roberto na si Barbie at may Krisen si David, walang makakapigil sa kanila na kiligin. Baka nga raw sabay pa silang manood, ang BF ni Barbie at GF ni David.  

KIM

PAULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with