Darren, biglaan ang operasyon!
Dinala si Darren Espanto sa ospital dahil sa kanyang appendicitis.
Ipinost ng It’s Showtime host ang video kung saan makikita siyang nakahiga sa hospital bed at tinawag niya itong ‘plot twist.’
Sa caption niya sa video ay sinabi niyang grabeng plot twist ang nangyari sa kanya. Bigla raw siyang tinamaan ng appendicitis habang nasa flight pabalik ng Manila. Babalik na raw sana siya sa Showtime ngayong araw pero nangyayari raw talaga ang emergencies. Kaya nag-shoutout na lang siya sa pamilya at mga kaibigan niya na nagdasal para sa kanya.
Ilan tuloy sa mga proyekto at commitment niya ang hindi masisipot ni Darren dahil sa kanyang kondisyon na kinailangang operahan.
Naging professional pa rin nga ang Can’t Buy Me Love actor na naalala pang humingi ng tawad sa producers ng mga show na hindi niya magagawa.
Ipinost din ng singer ang video habang papunta na siya sa operating room para ipatanggal na ang kanyang appendix at humiling na ipagdasal siya.
Ganun.
Hindi man tayo close, Darren, dalangin ko na nawa’y gumaling ka agad dahil balita ko namang mabuti kang tao.
Carlos, maraming singilin!
Sa buhay natin talagang maraming twist and turns. Isang wrong move puwedeng masira ang buong buhay mo. Isang flip of finger puwede ring mabago ang buong kapalaran mo.
Gaya ni Carlos Yulo, isang iglap naging hero siya ng bayan. Naging idol ng lahat.
At isa ring pagkakataon na nalaman ng buong bayan ang problema niya sa pamilya.
So ironic, sa halip na masaya ang lahat, heto at fiesta ring pag-usapan ang family problem nila. Hindi ba puwedeng ‘yung masaya muna, hayaan na muna iyang mga nagdaan ng bagyo sa buhay nila.
Give Carlos Yulo the moment, deserving siyang lumigaya at mag-enjoy. ‘Yung mga gustong makisawsaw ok lang at mukha namang matibay si Carlos sa intriga. Iyan ang kayang-kaya ng mga tulad naming laki sa kalye, keber ang mga nonsense na issues. Tuloy ang buhay, lagi lang forward, no looking back.
Nandiyan na si Carlos Yulo, nasa itaas na, mahirap nang hilahin pababa.
Basta mahalaga, sana lahat ng pangako kay Carlos ay matupad, huwag oh promise me (OPM)
Ilista lahat ng pledges at singilin. Doon siya mag-focus, nasaan ang mga milyones na promise, at mag-enjoy. Bongga.
- Latest