^

PSN Showbiz

Abogado ng mga akusado kay Sandro, kinontra si Niño!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Abogado ng mga akusado kay Sandro, kinontra si Niño!
Niño Muhlach

Hindi nagkasabay ang kampo nina Sandro Muhlach at ng dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Ri­chard Cruz sa ipinatawag na hearing ng NBI noong Biyernes.

Sa pagkakaalam namin, alas-dos ng hapon ipinatawag ng NBI pero sa umaga pa lang ay dumating na si Niño Muhlach para mag-represent sa anak niyang si Sandro Muhlach.

Dumadaan pa raw sa Psychological test ang baguhang actor  dahil nga raw ito sa depression.

Sabi ni Niño nang na-interview ito ng media sa NBI, nag-apologize raw sina Nones at Cruz sa nakaraang hearing sa Senado. Pero pinabulaanan ito ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, ang legal counsel ng dalawang independent contractors dahil hindi nga nakarating doon sa unang hearing na ipinatawag ni Sen. Robinhood Padilla.

“May sinabi siya (Niño Muhlach) sa interview niya and sa Senate hearing daw na nag-meeting, nag-apologize daw sina Jojo…

“As regards the apology, I confer with my clients and no such apology as to admission of liability that happened in the meeting. This is a complete lie,” saad ni Atty. Maggie.

Wala sina Jojo at Richard sa hearing na ipinatawag ng NBI, dahil sabi ni Atty. Maggie, hindi pa naman daw kailangan.

Nag-submit lang daw sila ng counter-affidavit bilang sagot sa isinumiteng complaint ni Sandro.

Text sa amin ni Atty. Maggie, “In compliance with the subpoena we filed today the joint counter-affidavit of Jojo Nones and Richard Cruz.

“We cannot discuss in detail the contents of their counter-affidavit as we are prohibited by NBI to do so since every counter statements and evidence submitted to the NBI are considered confidential and thereby cannot disclose to the public until the end of the investigation and their validation.

“But in essence, our clients deny all the allegations of Sandro in his alleged complaint for sexual abuse.”

Bukas, Lunes, ay ire-resume ang hearing sa Senado ang topic on Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment sa ilalim ng Committee on Public Information and Mass Media, na ang chairman nito ay si Sen. Padilla.

Nung nakaraang hearing ay ipina-subpoena na sina Nones at Cruz dahil sa hindi nila pagdalo. Kaya inaasahan ang kanilang presensya sa pangalawang imbitasyon sa kanila.

Tingnan natin kung magiging bukas ito sa media o closed-door ang gagawing pag-iimbestiga.

Congw. Lani, mala-paris olympics ang medal na natanggap

Congratulations sa mag-inang Congresswoman Lani Mercado-Revilla at mga nasa Congressman ding sina Bryan at Jolo Revilla sa pag-graduate nila sa La Salle Dasmariñas sa kursong Master in Sustainable Leadership and Governance.

Pinarangalan pa si Cong. Lani With Highest Distinction na kung saan ay si Sen. Bong Revilla pa ang nagsabit ng medal sa kanya.

Biniro nga naming parang kasinlaki lang ng gold medal na natanggap ni Carlos Yulo sa Paris Olympics.

Parang si Sen. Bong lang ang magulang ni Lani na sobrang proud sa na-achieve ng kanyang misis.

“Alam mo namang ulilang lubos ako. And ‘yung mga panahong nag-aaral ako, si Sen. Bong siyempre ‘yung kumbaga umintindi, umunawa na alam naman niya ‘yung hangarin ko na mahilig talaga akong mag-aral,” pakli ni Cong. Lani nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Biyernes.

“So, talagang nakasuporta ‘yung mga anak ko, ‘pag nandiyan ako, they’re giving me space, they’re giving me time, they share all the responsibilities. Kumbaga, alay ko na rin sa mga anak ko, sa mga apo ko, aside from my constituents. So, proud ako na si Sen. Bong ang nag-alay ng medal na ‘yan. Bahagi naman talaga siya ng aking buhay,” dagdag niyang pahayag.

Naalala namin nung nag-graduate ang anak nilang si Loudette sa kursong Medicine, na­ging emotional si Sen. Bong. Hindi niya napigilang maluha nang umakyat ng entablado.

Akala namin ay maiiyak din siya sa graduation ni Cong. Lani.

Ani Cong. Lani, “Buti nga hindi siya umiyak. Nung graduation ni Loudette… kaya naman lumuha si Sen. kasi nung nag-graduate si Loudette ng High School, wala siya. Nasa piitin siya. Limang medalya ang sinabit namin kay Loudette, wala siya, si Bryan ang kasama ko.

“Ang daming okasyon na na-miss ni Bong sa mga anak niya. And Loudette was one who really excelled,” sabi pa ni Cong. Lani Mercado-Revilla.

vuukle comment

ACTOR

NIñO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with