^

PSN Showbiz

Coco, nasubok ni Piolo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco, nasubok ni Piolo
Piolo at Coco
STAR/File

Magaganap na ang pangmalakasang collab dahil magdi-direk si Coco Martin ng ilang action scenes para sa isa pang hit ABS-CBN series na Pamilya Sagrado.

Ibinahagi ni Coco na isinama niya ang buong team niyang FPJ’s Batang Quiapo at game na game silang makatrabaho ang Pamilya Sagrado lalo na’t naghahanda sila para sa isang pasabog na action scene.

Inamin naman ni Coco na malaking pagsubok ang haharapin niya kahit sanay na siyang sumabak sa action scenes para sa mga programa niya tulad lamang ng FPJ’s Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo.

Excited din ang aktor dahil ito ang unang beses niyang magiging direktor para sa isang action TV series kung saan hindi siya parte bilang artista.

Sa pagsasanib-pwersa ng FPJ’s Batang Quiapo team sa Pamilya Sagrado, na kamakailan nga ay nagtala ng panibagong online records sa Kapamilya Online Live noong Agosto 7 kung saan pumalo sa 659,229 peak concurrent views ang Batang Quiapo, habang nakakuha ng 642,170 peak concurrent views ang Pamilya Sagrado.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with