^

PSN Showbiz

Jowa ni Carlos Yulo, ayaw tantanan

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jowa ni Carlos Yulo, ayaw tantanan
Carlos Yulo at Chloe.
STAR/ File

Ang daming may ayaw sa girlfriend ni Carlos Yulo.

Hindi raw sila bagay.

As if naman may pakialam sila sa lovelife ng double Olympic gold medalist sa gymnastics. Makakakuha pa raw si Carlos ng hindi blonde ang hair at hindi sobrang tangkad sa kanya.

Sa direct messages lang pala nagsimula ang kanilang relasyon four years ago upang i-express daw ang paghanga ng social media star na si Chloe sa gymnast. Simula noon, naging regular na raw ang young social media star sa stand para sa kanyang boyfriend.

Hindi nga raw naging madali ang paglalakbay ni Carlos Yulo, naging isang rollercoaster! Matapos dominahin ang mundo ng gymnastics kasama ang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya mula noong 2013—na makamit ang mga ginto sa World Championships at manalo sa mga tagahanga sa buong mundo—nagpasya si Yulo na bumalik sa Filipino coach na si Aldrin Castañeda.

Pero asan ba siya ngayon, dalawang gintong medalya ang nakamit niya sa ginaganap na Paris Olympics kasama ang girlfriend at milyon-milyon ang naghihintay na reward sa kanya ng maraming kumpanya.

At ‘yun nga hindi lahat ay pabor sa girlfriend nito na okray na mukha raw bading.

Sa totoo lang, ba’t kaya hindi na lang maging masaya ang lahat sa panalo ni Carlos? Imagine, dalawang gold medal na ang nakuha niya na nakaukit na sa kasaysayan ng mundo ng gymnastics.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with