Ate Vi may mensahe sa mga nanonood ng When I Met..., trending sa Netflix
Pumuwesto agad sa no. 1 ang pelikulang When I Met You In Tokyo nang magsimula itong mag-stream sa Netflix nung July 29. Ang When I Met You... ay isa sa 2023 official Metro Manila Film Festival entry at pagbabalik tambalan ng OG loveteam of all time, Vilma Santos - Boyet de Leon tandem. Produced ng JG Productions Inc. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Rado Peru at Direk Rommel Penesa.
Ayon kay Vilma, masayang-masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood ng Netflix sa pinagbidahang pelikula nila ni Christopher, “so happy, talaga namang I’m so proud of this movie. Maaring sabihin nila it’s a very simple movie, bakit ka ganyan? No eh, hindi ‘yung kasimplehan ng pelikula namin ni Christopher de Leon o ni Yetbo. Ang importante dito is ‘yung message ng movie kasi ‘pag nakuha mo ‘yung message ng movie, panalo na kami. Hindi ba nandun ‘yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values. Kung papanoorin mo talaga ng matindi ‘yung When I Met You In Tokyo, it’s a very simple story pero nandun lahat. For that I’m really proud na ngayon pinapanood ngayon sa Netflix, I ask them to watch it again hanggang sa ma-absorb mo ‘yung meaning ng movie.”
- Latest