^

PSN Showbiz

Bangayan nina Kyle at Grae, kinasasabikan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bangayan nina Kyle at Grae, kinasasabikan
Kyle Echarri at Grae Fernandez

Inuulan ng papuri ang tumitinding komprontasyon sa pagitan nina Kyle Echarri at Grae Fernandez sa Pamilya Sargrado matapos makamit nito ang panibagong all-time high record na 598,246 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live kahapon (Hulyo 30).

Ang dami pang dapat abangan sa pasabog na salpukan ng dalawang aktor dahil desidido na si Moises (Kyle) na kalabanin at ilantad ang mga krimen ni Justin (Grae) at ang pamilya nito para makamit ang hustis­ya sa pagkamatay ni Roland.

Itataya pa rin ni Moises ang kanyang buhay kahit alam niyang patuloy na mamanipulahin ng mga Sagrado ang katotohanan sa pangu­nguna ng abusadong vice-president na si Rafael (Piolo Pascual).

Maaari naman mag-iba ang kapalaran ni Moises dahil nalaman ni Mercedes (Mylene Dizon), ang asawa ni Rafael, na may malaking posibilidad na si Moises ang totoong anak ni Rafael sa dati nitong kabit na si Cristine.

Hanggang saan aabot ang pakikipaglaban ni Moises para sa hustisya?

Paano kaya makakaapekto ang nakaraan ni Moises sa relasyon niya sa mga Sagrado?

 

vuukle comment

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with