Biyahe ni Drew, susubukan si Herlene
Bagong adventure ang naghihintay kay resident biyahero Drew Arellano dahil eere na ang long-running travel show ng GMA Public Affairs na Biyahe ni Drew sa GMA simula Aug. 3.
Sa kanyang bagong adventure, makakasama ni Drew ang ilan sa mga prominenteng personalidad. Mula sa pagsubok ng thrilling activities hanggang sa pagtikim ng local delicacies, mararanasan ng award-winning host at ng kanyang guests ang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Nang dahil sa nakatutuwang pag-host ni Drew at nakamamanghang sceneries sa show, siguradong good vibes ang handog ng Biyahe ni Drew sa mga viewer. Dagdag pa rito, hatid ng show sa viewers ang karanasang mistula nakakasama sila sa biyahe habang nanonood sa kani-kanilang mga tahanan.
Sa unang episode nito sa GMA, ililibot ni Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol si Drew sa kanyang home province sa Rizal. Bilang isang proud Rizaleña, hahamunin niya si Drew sa isang gulaman-making contest sa local market. Gagawa rin sila ng katakam-takam na kumanoy, isa sa mga local delicacies ng Rizal. At sa unang pagkakataon ay masusubukan ni Herlene ang isang off-road adventure kasama si Drew.
Mapapanood ito tuwing Sabado simula Aug. 3, 4:45 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
- Latest