^

PSN Showbiz

Showtime, nilunsad ang Bata Bata

Pilipino Star Ngayon
Showtime, nilunsad ang Bata Bata
Kulot at Jaze

MANILA, Philippines — Naglunsad ang It’s Showtime ng pinakabagong segment na parte ng Funanghalian na Bata Bata Pick, tampok ang mga host at kids ng hit noontime show noong Martes (Hulyo 30).

Sa Bata Bata Pick, bubunot ang host ng isang player at alay mula sa pamilya ng It’s Showtime.

Ang napiling player ay pipili ng pambato niya sa Showtime kids na magtatagisan sa mga simpleng hamon. Kung naipanalo ng napili niyang bata ang hamon ay maliligtas ang alay at may P10,000 cash prize ang ibibigay sa madlang people. Kung hindi naman pinalad ang kanyang pambatong bata ay bibigyan ng ‘FUNishment’ ang alay.

Sa una nitong episode, sinwerte sina Vhong Navarro at Kim Chiu matapos manalo ang kanilang pambato na si Kulot kaya naman nakapamahagi sila ng P10,000 sa studio audience. Ngunit hindi naman nakaligtas ang mga napiling alay na sina Vice Ganda at MC nang matalo sila sa kani-kanilang round.

Ikinatuwa ng madlang people ang ipinataw na FUNishment sa dalawa nang sumayaw si Vice hanggang sa matanggal ang kanyang wig at sinuot naman ni MC ang damit ni Cianne Dominguez hanggang sa matapos ang show.

Nakakuha nga mga papuri mula sa netizens ang nasabing bagong segment.

Samantala, successful din sa pagpili ang EXpecially For You searcher na si Althea sa tulong ng kanyang dating nobyo na si Arvie, habang magbabalik naman si Pierce Matimat ng STI College Laguna sa preliminations ng Tawag Ng Tanghalan nang manalo ito laban sa contender na si Denise Fernandez ng Consolacion National High School.

SHOWTIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with