^

PSN Showbiz

Ang Second Chance sa Showbiz

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa tulong noon ng isang sikat na talent manager, nabigyan ng raket sa showbiz si Neo Flores.

Gusto naman niyang mag-artista pero wala sa puso niya ang commitment. Naging sakit ng ulo siya ng kanyang manager lalo pa’t nung magkaroon siya ng girlfriend. (ako na lang kasi sana, bro!)

“Nag-start ako as model tapos na-discover ng isang sikat na manager. ‘Di ko na papangalanan kasi nagkaroon ng issue. Ginawa niya akong talent, nag-artista ako pero aminado ako na ako ang naging problema. Mas pinili ko ‘yung babaeng mahal ko na akala ko magtatagal.” Pag-alala ni Neo. (sino ba ‘yang malanding ‘yan?!chos!)

Nawala na lang na parang bula si Neo at hindi na nagparamdam sa kanyang manager. (ano ito, ghosting?!) “Parang may breach of contract ganyan. Kasi may mga na-book siyang projects na ‘di ko na sinipot. Sobra akong na-in love nun kaya kinalimutan ko na ang career.“ (ay pwede ba akong mag-book sa’yo, bro?!.. ng projects!)

Nagsama sila ng kanyang girlfriend. Nagkaroon ng isang anak.

Nagtrabaho siya sa isang call center para mabuhay ang kanilang pamilya. Pero makalipas ang limang taon, nagkahiwalay din sila. (baka ‘di ka talaga para sa babae, bro!)

“Hindi rin naging kami sa huli. Nagkahiwalay kami. Nasa akin ‘yung anak namin. Wala na kami communication pero may asawa na siyang iba at may anak na rin. “Pagbabahagi ni Neo. (baka tayo sa huli, bro!)

Ngayon siya ay nagbabalik sa entertainment industry, sumasalang sa iba’t ibang commercial, short film, indie film at teleserye.

Ang pinaka-latest niyang proyekto ay ang series na Saving Grace na pinagbibidahan nina Megastar Sharon Cuneta at Julia Montes. Wala rin siyang manager ngayon. Pero umaasa siyang sana magkaayos sila ng manager na iniwan niya sa ere. (ayaw ng kantang ere ni JK Labajo!)

“Ang alam ko galit siya sa’kin. Parang binlock na niya ako. Parang in-erase na rin niya ako sa buhay niya. Sabi pa niya sa’kin, di na niya ako kikilalanin. Pero sana ngayon kilalalanin na niya ako,” paglalahad ni Neo. (‘yun ay kung knows ka pa niya!)

Comedy at action sana ang gusto niyang mapuntahang larangan. “Comedy ako siguro parang Babalu at Redford White. ‘Yung action ko naman, parang Robin Padilla.” (ay ako parang, Mariel Padilla!)

Sa kanyang guest appearance sa aming Youtube Show na WTFu, sinabi ng 25 anyos na binata na willing naman daw siya magpa-sexy sa pelikula, pero klaro siya sa kanyang limitasyon. “Hindi ko lang kaya magpakita ng puwet o ng harap ko. Mga hanggang topless lang ako. Kasi nagko-commercial ako, madalas tinatanong ‘yan kung may sexy film ka ba. Inaalagaan ko rin kasi ‘yung pagko-commercial ko. “(ako na lang mag-alaga sa’yo, bro!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patre-on: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

ARTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with