^

PSN Showbiz

Sen. Win at Bianca, nilanggam sa Senado!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Win at Bianca, nilanggam sa Senado!
Sen. Sonny Angara, Bianca at Sen. Win Gatchalian
STAR/File

Huling-huling sa camera ang lips to lips nina Sen. Win Gat­chalian at Bianca Manalo sa Senado.

Bumisita nga si Ms. Bianca sa Senado at habang nasa upuan siya ay nilalapitan ang actress ng ibang senador para magbye-bye nung paalis na siya.

Pero nang mag-speech si Sen. Sonny Angara now DepEd Sec., nasa likod sila ng camera at huli ang tukaan nila ng senador na karelasyon.

Paliwanag ni Bianca, wala silang malay na nahagip sila ng camera nung nagpapaalam na siya sa BF. “First time to visit @stgatchalian74 at the Se­nate floor today. They were saying their thank yous and goodbyes to Senator, now our DepEd Secretary @sonnyangara

“I had to leave already, because I have a play to watch at the GSIS theater, which is behind the Senate building. We kissed goodbye. We didn’t know we will be seen on the monitor while Secretary Sonny was having his goodbye speech. (it’s the last photo) iiiiiiiiiiiiiih,” buong post ni Ms. Bianca.

Napa-comment naman si DepEd Sec. ng “Tamis tamis!” kasama ang mga emoticon na langgam.

At nag-post pa siya: “Marami palang na enganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together”

Nagpaalam na sa Senado si Sen. Angara na itinalagang Secretary ng Department of Education.

Anyway, kasal na lang ang hinihintay kina Sen. Win and Ms. Bianca para maging member na rin siya ng Senate Spouses Foundation Inc. na kasalukuyang pinamumunuan ni Heart Evangelista na noong isang araw nga ay nag-donate siya (Heart) ng P1.5 million matapos ibenta ang isang Hermès Kelly Sellier bag na may pinta niya.

Na tiyak na magiging aktibo si Bianca oras na maging misis na siya ni Sen. Win.

vuukle comment

BIANCA MANALO

SENATOR WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with