Erik, nagbago dahil sa pumanaw na mga magulang
Mayroong mga naging pagbabago sa pananaw sa buhay si Erik Santos mula nang mamatay ang mga magulang dahil sa lung cancer.
Unang yumao ang ina ng singer noong November, 2022. August, 2023 naman nang pumanaw ang ama ni Erik. “Feeling ko hindi na ako ‘yung same person in a way na parang nag-iba ‘yung outlook ko sa buhay. The way I see things, ‘yung perspective ko about life and even death, nag-iba talaga siya. Siyempre na-witness ko ‘yung journey ng magulang ko eh. Up until their last breath, I was there katabi nila. So, it was a blessing for me na nando’n ako sa tabi nila. Pero it was also traumatic in a way kasi it keeps replaying sa head mo lalo na kapag mag-isa ka and it’s not easy,” pagbabahagi ni Erik kay Bianca Gonzalez sa programang BRGY.
Sariwang-sariwa pa sa alaala ng singer ang pagkawala ng mga magulang. Gumagaan umano ang pakiramdam ni Erik sa tuwing mayroong nakakausap na may kaparehong sitwasyon. “Sinasabi nila huwag mo na lang isipin. It’s easier (said) than done. Kaya mas natutuwa ako kapag nakakausap ako ng mga taong same situation as mine. Kasi mas naiintindihan nila kung saan ako nanggagaling. For me ‘yung grieving kasi hindi siya proseso lang. For me ‘yung grieving is a way of life mo na. Kasama na siya sa buhay mo. Naniniwala ako na kung gaaano ka naggi-grieve, gano’n din ‘yung laki ng pagmamahal mo sa taong nawala sa buhay mo. Like minsan feeling ko okay na ako but there are moments in my lfe na parang nagba-back to zero ako. Parang same feeling, but much harder. And talagang sobrang painful pa rin,” makahulugang paliwanag niya.
Kahit may dala-dala pang bigat sa dibdib ay nababale-wala raw ito sa tuwing kumakanta si Erik sa entablado. “Dati pa naman, I really love what I do. ‘Pag nasa stage ako it’s like I’m home. So ‘pag nasa stage ako feeling ko parang mas nagfu-fuel up ako, nadadagdagan ‘yung strength ko bilang isang mag-aawit. Kasi through my songs, through my performances, doon ko naibibigay o nailalabas ‘yung mga feelings at emosyon na minsan hindi ko nasasabi through words. Pero nasasabi ko at naibabahagi ko through my songs,” paglalahad ng singer.
Teacher Georcelle, hindi pa rin nakakausap si Sarah
Noong Linggo ay nagtapos na ang G-Force Project 2024 sa pangunguna ni Georcelle Dapat-Sy. Sinimulan ng G-Force ang taunang dance workshop noong 2008.
Masayang-masaya si Teacher Georcelle dahil naging matagumpay muli ang naturang proyekto ngayong taon. “I am so happy and very proud of my team because even if they missed one day, they were still able to pull off a very good show,” nakangiting pahayag ni Teacher Georcelle.
Matatandaang nagkaroon ng tampuhan sa pagitan nina Teacher Georcelle at Sarah Geronimo noong isang taon dahil sa kanilang ‘artistic differences.’
Labing-anim na taong nakatrabaho ng buong grupo ng G-Force ang Popstar Royalty. Hanggang ngayong ay hindi pa raw nakapag-uusap sina Teacher Georcelle at Sarah. “No, we have not. You know, I have done a lot of collaborations with Sarah Geronimo and those are treasured collaborations. I am very thankful. I am very blessed for all the collabs that we’ve done. So, I wish her all the best, and I hope that she wishes all the best also for my team,” makahulugang paglalahad ng G-Force head. (Reports from JCC)
- Latest