^

PSN Showbiz

Richard sa pagiging Cum Laude ni Juliana: ‘Ang talino nakukuha sa nanay!’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Richard sa pagiging Cum Laude ni Juliana: �Ang talino nakukuha sa nanay!�
Richard Gomez, Lucy Torres, at Juliana

Proud parents sina Cong. Richard Gomez and Ormoc Mayor Lucy Torres sa unica hija nilang nagtapos na Cum Laude sa University of the Philippines Diliman noong isang araw.

Post ni Cong. Richard : “I vividly remember your first day in school as a young child. I drove you to your school near the house, you were in a white shirt and jeans in rubber shoes.

“Look at you now all grown up and a college graduate in Public Administration at the UP Diliman and a Cum Laude.

“Congratulations ‘day!

“Mom and I are so proud of you.

“Mom was in tears going up the stage. My eyes were in tears too when I went back to my seat as things sank into my head and realized how time flies so fast.

“Go on and make things better and beautiful,” emosyonal na post ng aktor/pulitiko sa pagtatapos ng anak na dalaga.

Nauna nang nabanggit ni Cong. Richard na magma-master si Juliana.

“I’m happy na graduate na si Juliana, and nag-enroll siya sa Master’s course niya. Dun pa rin sa UP mag-Master siya on Public Administration.

“I’m very happy na she’s graduating Cum Laude. Kanino pa nagmamana, siyempre! Ang talino nakukuha sa nanay!” bulalas ni Cong. Goma habang tumatawa nunang nakausap namin siya sa fiesta ng Ormoc last June.

Pero aniya, hindi raw niya masasabing paghahanda na ni Juliana sa pagpasok sa pulitika kaya ito nag-Master on Public Administration.

“Hindi naman namin sinabi sa kanya na maghanda ka. Pero she really wanted Public Administration. Siguro ‘yun ang nakikita niya sa amin. Nung time na sa Congress pa si Lucy, ako naman ang Mayor. Ngayon si Lucy naman ang Mayor.

“Magaling si Juliana sa tao. ‘Yun ang nakikita ko sa kanya. Marunong mag-public speaking ‘yun,” pahayag pa ng aktor sa aming interview.

Obviously ay hindi natuloy ang pagpasok ni Juliana sa Wil To Win ni Willie Revillame.

“Gusto ni Willie. Hindi ko naman sinabi kay Juliana na huwag… sabi ko kay Juliana, ‘ikaw ang mag-decide, meet with them and talk to them. Kung type mo at nagustuhan mo,’ it’s really up to her to decide kung ano ‘yung gusto niya.

“Tumawag si Willie sa akin, sabi ko, ‘Willie sino ang contact person n’yo?’

“Tapos nu’n, nag-usap sila, nag-meeting sila. Hindi ko…sabi ko, ‘it’s really up to you to decide. Ikaw ang bahala kung ano ‘yung gusto mong gawin,” dagdag niyang pahayag.

Napapanood ang Wil to Win pero walang Juliana na co-host.

Anyway, nag-post ng pasasalamat sa kanyang alma mater si Juliana : “Isang karangalan ang maging Iskolar-Atleta ng Bayan. Maraming salamat sa pagkakataon na ito, UP! Mahal na mahal kita. #Sablay2024.”

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

LUCY TORRES

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with