^

PSN Showbiz

Deadpool & Wolverine at iba pa, binigyan ng R-16

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Deadpool & Wolverine at iba pa, binigyan ng R-16
Deadpool at Wolverine

Binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Restricted-16 (R-16) rating ang Deadpool & Wolverine base sa desisyon ng MTRCB Board Members na sina Bobby Andrews, Jose Alberto V at Johnny Revilla.

Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 pataas.

Ito’y dahil sa mga eksenang hindi akma sa mga manonood na edad 15 pababa, tulad ng mati­tinding karahasan, madudugong eksena at ilang mga maseselang imahe.

Binigyang-diin ng MTRCB na bagamat may komedya ang pelikula, posibleng nakakabahala pa rin sa mga batang manonood ang ilang maseselang eksena.

Samantala, binigyan din ng R-16 rating ang All My Friends Are Dead ng Pioneer Film sa desisyon nina MTRCB Board Members Bobby Andrews, Almira Muhlach at JoAnn Bañaga. Ipinunto ng tatlo ang sekswal na nilalaman ng pelikula, katatakutan na hindi angkop sa mga bata at mga eksena ng karahasan.

Binigyan din R-16 rating ang pelikula ng Pinoyflix Films and Entertainment Production, Inc., na pinagbibidahan nina Alexa Ocampo, Jeffrey Santos, Rash Flores at Lara Morena. Sa desisyon nina Board Members Bañaga, Andrews at Eloisa Matias, sinabi nilang hindi angkop sa mga edad 15 at pababa ang ilang mararahas at madudugong eksena, paggamit ng armas, droga at pagpapakita ng malubhang pisikal na pananakit.

Pinaalalahanan din ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na ang R-16 classification ay hindi angkop sa edad 15 at pababa.

vuukle comment

ACTOR

MOVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with