^

PSN Showbiz

Rhian, ayaw pang mag-asawa

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rhian, ayaw pang mag-asawa
Rhian Ramos.
STAR/ File

Tatlong taon nang magkasintahan sina Rhian Ramos at Congressman Sam Versoza.

Ayon sa aktres ay wala pa sila planong magpakasal ng pulitiko. “Wala pa naman kaming pinaplano anytime soon except for maybe a vacation but nothing big,” bungad ni Rhian sa ABS-CBN News.

Bukod sa pagiging co-host ng Wil To Win sa TV5 ay kabi-kabila rin ang charity events na ginagawa ng binata.

Kapag mayroong pagkakataon ay nasasamahan ni Rhian ang nobyo sa pagtulong sa mga kababayan. “Mostly him, minsan ‘pag may time ako nakakasama ko rin siya. Marami siyang tinutulungan. When we were new, aside from ‘yung mga personality namin that we got along, one of the things talaga that we really agreeing on is, it’s important to your your life, your skill, or your success for the better. At the time, when we knew we bonded about that, we actually shared our dream eh na parang when you retire, what’s your dream? And we had the same dream and it was really centered also on helping others and doing something for others. Sometimes you have a negative connotation of what it means to be a politician especially in the Philippines. But because I know him very well, I know what’s in his heart. I know it’s very pure, and I know he doesn’t need money that’s why I am able to support,” pagbabahagi ng aktres.

Suportado ni Rhian mula noon pa man ang lahat ng mga ginagawang pagtulong ng nobyo sa kapwa. Araw-araw daw na abala ngayon si Sam dahil sa mga nasalanta ng bagyong ‘Carina’ noong isang linggo. “I’ve been busy with work. So hindi pa ako nakakasama with the repacking (of goods). It’s sadly when it’s this time of the year before anything bad even happens, dapat handa tayo. He’s been preparing every day. What’s nice also is may mga magagandang loob na nagbibigay at tumutulong,” paglalahad ng dalaga.

TJ, tagumpay sa ‘palagi’

Masayang-masaya si TJ Monterde dahil nasa mahigit 106 million streams na ang kanyang kantang Palagi sa Spotify. Lubos ang pasasalamat ng singer-songwriter sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanyang musika. “Super happy ako kasi ang galing ni Lord. Lahat ng nangyayari sa ‘kin ngayon, wala akong ibang ma-offer-an ng glory kundi Siya. Kasi Siya naman ‘to lahat. Sa ngayon ini-enjoy ko na lang what I have. Kung anong mga nangyayari. I just keep on writing. I’m very, very thankful sa lahat ng fans na nakikinig for the past 12 years of my career. Hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila,” nakangiting pahayag ni TJ.

Sa mga nakalipas na buwan ay marami nang gumawa ng covers ng kantang Palagi sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Proud si TJ dahil mas nakikilala ang OPM o Original Pilipino Music sa ibang bansa. “’Yung about OPM getting traction sa iba’t ibang bansa, sobrang nakakataba ng puso. Ibig sabihin kasi sobrang ganda rin ng music talaga natin. So happy ako na naa-appreciate ng ibang nationalities ‘yung lenggwahe natin. Kasi ultimately, wala sa lenggwahe ‘yung musika kundi nasa pakiramdam na,” paliwanag ng asawa ni KZ Tandingan.

(Reports from JCC)

vuukle comment

RHIAN

SAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with