Sarah, apektado sa nangyari kay Alexa!
Mababasa ang pangalan ni Sarah Lahbati na isa sa mga nag-like ng post ni Ruffa Gutierrez tungkol sa pagpanaw ng sister-in-law ni Ruffa at asawa ng brother niyang si Elvis Gutierrez na si Alexa Uichico-Gutierrez.
Sa kanyang Instagram stories, may mga post si Sarah tungkol kay Alexa. “I can’t wrap my head around. Why... why too soon, Lex? It’s not fair.” Sinundan ng “Forever in my heart. My sestra... I love you.”
Sa post ni Ruffa sa Instagram, nasa Los Angeles, California siya for a vacation nang malamang pumanaw si Alexa. Siguradong mabilis siyang babalik o baka nakabalik na ng Pilipinas dahil sa nangyari.
May post din ang eldest daughter ni Ruffa na si Lorin Bektas patungkol kay Alex.
“My sweet, smart, loving, hilarious, one-of-a-kind Tita Alexa, my heart has been broken since the day you were diagnosed because you have always deserved nothing but the best in life has to offer. You fought a courageous battle and handled every hardship with so much grace, positivity, and faith in the Lord. You have been a consistent supporter, confidante, mentor, and auntie, and I never wanted to know a world without you. You are so easy to love, which made saying goodbye to you the hardest thing I have ever been through. I missed you the second you left.”
Alden, pinagbintangang may ginibang ancestral house
Itinaon sa world premiere ng Pulang Araw ang paglabas ng isyu na ipinagiba raw ni Alden Richards ang isang ancestral house sa Sta. Rosa, Laguna para sa second branch ng McDonalds. Ito ay ang Zavalla-Rivera house na isa sa oldest ancestral house sa Laguna at itinayo noong 19th century.
Sa post ni El Reportero, nakasaad na the ancestral house was demolished to give way to a branch ng nasabing fastfood chain. Tinanong na raw niya sina Alden at ang McDo pero wala pang sagot. Pati raw ang local government ng Sta. Rosa ay hiningan din niya ng reaction at nangakong ipo-post ang sagot kapag may statement na.
May mga nakisakay sa isyu at biglang mga naging makabayan, ‘yun pala, gusto lang i-bash si Alden.
Mabuti at may nag-check sa NHCP at sinabing wala sa data base ng NHCP ang ancestral house. Isinulat pa nito ang result ng search niya na “Nothing Found.” Dagdag pa nito, ‘pag hindi maintained at imposible nang magamit, puwede nang gibain, lalo na kung hindi naman historical site.
May nagsalita ring taga-Sta. Rosa, nakatira malapit sa bahay na ipinagiba raw na bahay. Dati raw, ginamit na eskwelahan ang bahay at pinabayaan pa ng mga may-ari. Katunayan, ang front lawn ng bahay ay ginawa ng paradahan ng tricycle.
Wala pang reaction ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson sa isyung ito at lalong walang reaksyon si Alden dahil wala siya sa bansa. Nasa Calgary, Canada siya para sa shooting ng Hello, Love Again nila ni Kathryn Bernardo.
- Latest