^

PSN Showbiz

Yam magkakaanak na, Erich hinihintay na ring mabuntis

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Yam magkakaanak na, Erich hinihintay na ring mabuntis
Miguel at Yam
STAR/File

Suwerte sa mga napangasawang bilyonaryo

Preggy na pala ang former Viva artist na si Yam Concepcion.

Wala siyang details na binigay sa kanyang post pero idinisplay niya ang baby bump kasama ang mister na si Miguel CuUnjieng. “Stingrays, turtles, pigs and a bump,” aniya sa post.

Sa New York na sila nakatira.

Ikinasal sina Yam at Miguel sa New York noong Hulyo 25, 2021. At aminado nun si Yam na “I will never forget the first time I met Miguel’s family. I was so nervous. Looking back now, I can’t help but sigh in complete relief and happiness because I had absolutely nothing to worry about. While I often thank Miguel for all the amazing things he has done for me, I think it’s just as important to take the time to thank the incredible family that he comes from.”

Galing sa mayamang pamilya si Miguel CuUnjieng at nag-aral ito sa ibang bansa. Mataas din ang posisyon sa pinagtatrabahunang kumpanya sa Amerika.

Isa si Yam sa mga artista na nakapag-asawa ng mayaman at hindi na kailangang maging aktibo sa social media at mag-create ng content para kumita.

Ganito rin ang kapalaran ni Erich Gonzales na pagkatapos ikasal sa negosyanteng si Mateo Lorenzo ay hindi na niya kailangang mag-showbiz at maging content creator.

Tutok sila sa pagiging mga misis sa mga mister na galing sa angkan ng mga bilyonaryo sa Pilipinas.

Ganito raw ang mga totoong ultra rich, binibigay na lang daw ang mga kailangan sa misis.

Kim, pinagdiinang sa South Korea tatanggap ng award

In-emphasize ni Kim Chiu na sa South Korea siya tatatanggap ng award.

“My heart is full!!! MARAMING MARAMING SALAMAT PO! KOREA HERE I COME! Sa SOUTH HA? Hihi @seouldramaawards

PHILIPPINES REPRESENT! #ForeverGrateful #Deceit #Linlang #JulianaMadeItToKorea,” post ni Kimmy.

Malaking issue ang hindi sinasad­yang maling pagpapakilala sa mga atleta ng South Korea.

Naglabas ng “deep apology” ang mga organizer ng Paris Olympic matapos maling ipakilala ang mga atleta ng South Korea bilang North Korea sa opening ceremony sa Paris.

Habang nagwawagayway nga ng bandila sa Seine River ang mga atleta ng South Korea, parehong ipinakilala sila ng mga host sa Pranses at Ingles bilang “Democratic People’s Republic of Korea” –  ang opisyal na pangalan ng North Korea.

Nahati ang South and North matapos ang World War II, na may tensyon at lalong tumitindi kamakailan.

Ang South Korea, ay mayroong 143 na atleta sa Olympic team ngayong taon, na nakikipagkumpitensya sa 21 sports.

Nagpadala ang North Korea ng 16 na atleta at ito pala ang unang pagkakataon na sumabak ang NK sa mga laro mula noong Rio 2016.

Anyway, going back to Kim. Talagang unstoppable si Kimmy.

Kaya naman super duper proud ang sister niyang si Lakambini : “Boooommm!!!!!! My Queen My Everything!!!! U never fail to amaze us always WE are sooo Proud of u!!!!! I love you so much!!!! Congratulationsssssss @chinitaprincess”

Maging ang fans niya ay dagsa ang congratulatory gifts. “Maraming maraming salamat po!!!! flower shop yern? Hihihi thank you! Happy Sunday everyone!” tweet ni Kim kahapon.

YAM CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with