^

PSN Showbiz

Alden, may pangako kapag nagka-gf

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alden, may pangako kapag nagka-gf
Boy Abunda at Alden Richards

Simula bukas ng gabi ay mapapanood na ang Pulang Araw na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez at Alden Richards. Ayon kay Alden ay iikot ang istorya ng bagong serye sa apat na magkababata noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.  “‘Pulang Araw’ po is a story telling about the Philippines during the second world war brought by the Japanese, which was fought by the Filipinos and Americans. This is a story of four childhood friends who became very close. Coming from the different walks of life during that time,” bungad ni Alden sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Para sa Kapuso actor ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bawat eksena sa bagong serye. Hinihikayat ni Alden ang mga tagahangang alamin ng bawat Filipino ang napakalaking bahagi ng kasaysayan. “We live now in an age, Tito Boy, that I’d like to say history is taken for granted. And our freedom is also taken for granted. Parang hindi natin nalalaman bakit ba tayo meron nito ngayon. Bakit meron tayong kalayaan ngayon? It’s because of these people who became part of the second world war. At the same time, we owe huge of death to these people who have experienced all these hardships just to bring us comfort right now. If not for that world war po, wala tayo ngayon. Hindi po tayo nakakapag-usap, Tito Boy. Wala po tayong TV shows, wala tayong cellphones, everything. I can speak in confidence right now because of this. Kasi our script is very much period correct po. We have consul­tants, we have people who tells us stories about se­cond world war. Napakahirap po ng pinag­daanan ng mga Filipino,” giit ng binata.

Malapit umano sa puso ni Alden ang bagong proyekto dahil na rin sa mga naranasan ng kanyang mga mahal sa buhay noong panahon ng digmaan. “Kumbaga malaking blessing sa akin ‘tong pagiging part ng ‘Pulang Araw’ Tito Boy. Kasi mas nabigyan ko ng value ‘yung pinagdaanan ng lolo’t lola ko. Kinukwento lang nila ito sa amin candidly every time. But I get to experience it firsthand while doing this project which gave more value to me. Mas lalo ko pong minahal ‘yung mga lolo’t lola ko po. Because they went through these hardships during that time. Kinukwento nila na kapag tumunog na ‘yung sirena, tatakbo na sa kweba. Kapag sinabi ng mga hapon, ‘Dapa!’ Kahit may dumi sa kalsada, dadapa sila. I gravitated more on that idea na ang kaswal lang nila kinukwento pero ang hirap no’n. Sa atin narininig, napapanood natin ‘yung kwento, but for them that was life during 1944, 1940s,” emosyonal na pagbabahagi ng aktor.

Samantala, ini-enjoy lamang ng binata ang pagiging single sa ngayon. Ipapaalam ni Alden sa publiko kung sakali mang magkaroon ng bagong kasintahan. “Sa ngayon, Tito Boy, in all honesty naman, I am enjoying my time. If ever, magpapa-presscon ako, Tito Boy, kukunin kitang host kapag mag-a-announce na po ako officially kung sino ang aking makaka-partner. Promise, Tito Boy,” nakangiting pagtatapos ng Asia’s Multimedia Star. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with