Manloloko dumarami...Max, kakilala ang kanyang poser!
Naging biktima rin ang Kapuso TV-movie actress na si Max Collins ng scammer na nagpapanggap na siya para makapanloko.
Nagbabala ang aktres sa kanyang followers na mag-ingat sa kanyang poser na humihingi ng donasyon.
Naalarma nga ang actress nang malaman niyang may isang taong gumagamit ng litrato niya para mag-solicit sa mga kaibigan niya.
Ipinakita niya sa social media ang screenshot ng number ng scammer na nanloloko sa mga kaibigan niya at hinikayat ang lahat na i-block ang numero na ginamit din ang Viber para mag-message sa mga ito.
May pakiramdam siya na mukhang kilala raw niya ang scammer sa kanyang trabaho. “Please block this person, messaging my friends asking for donations. Feeling ko this is someone from work. Please stop scamming people thanks God bless,” caption niya.
“Nakakahiya ka kung sino ka man. Taking advantage of my friends,” dagdag pa niya.
Nakarehisto raw ang number sa pangalang Ernst Steve Luke H B.
Isa lang siya sa maraming artista na nabibiktima ng mga ganito.
Kaya dapat palaging mag-ingat dahil walang pinipiling oras ang mga ito at ginagamit pa ang sakuna lalo na at katatapos pa lamang ng bagyo para makapanloko.
Subukan nila akong i-scam at makikita talaga nila ang hinahanap nila. Isusumbong ko sila sa Office of the President.
Hahaha. Joke lang. Pero sa totoo lang, dumarami ang mga manloloko ngayon ha.
Siguro kasi naging tamad na ang mga tao ngayon.
Gusto na lang nilang magkapera na hindi nagpapagod kaya naiisip nilang manloko na lang para magkapera na walang ginagawa.
- Latest