Herlene, tinakbo si Barbie para magpa-TY
Personal na nagpasalamat si Herlene Budol sa Kapuso actress na si Barbie Forteza sa ginawa nitong pagtulong sa kanya nang madapa siya sa stage sa ginanap na GMA Gala 2024.
Doon napagbintangan din siya ng ibang bashers na baka sinadya niya ang pagkakadapa para umagaw ng eksena.
Ipinakita naman ni Budol sa isang TikTok video kung paano niya tinakbo nang nakayapak ang pagpunta sa karelasyon ni Jak Roberto para maabutan ito sa building ng GMA.
Nagulat pa nga si Barbie nang makita itong nakayapak pero paliwanag nito ay naka-heels daw siya at para personal itong mapasalamatan nang malamang nasa kapitbahay na studio ay tinakbo niya ito.
Niyakap ito ni Barbie nang makita ang nadapang actress-host.
Maaalala kasing nag-viral ang video ni Barbie na nagmamadaling i-rescue si Herlene nang sumubsob ito habang rumarampa sa stage ng GMA Gala.
Wala nga raw ideya si Herlene kung sino ang mga tumulong sa kanya at nalaman lamang niya ito nang i-tag siya sa mga video kung saan tumatakbo ang aktres kahit hirap na hirap sa kanyang gown.
Wala naman daw problema kay Barbie dahil ang mahalaga ay okay si Budol.
Aliw naman ang sinabi ni Barbie na ang OA raw ng kanyang naging reaksyon. Hindi rin daw niya alam paano niya iyon nagawa nang hindi rin siya nadadapa.
Ayon nga sa netizens ay talagang mabait ang aktres na nagpapatunay ng sinabi noon ni Ivana Alawi at iba pa.
Shoutout nga raw sabi ng isang netizen sa mga tumawa kay Budol na sa halip na tulungan ito, ‘di gaya ni Barbie na hindi talaga nagdalawang-isip na tumulong. Bongga.
Calamity fund, kailangan
‘Kaloka naman ang ulan na nakaka-depress ha. Imagine mo na tumutulo bahay mo, baha sa labas at baka pasukin pa ng baha ang bahay mo. Hindi ka makabili food dahil baha nga sa buong paligid. Walang delivery dahil walang madaanan.
Kaya dapat talaga meron kang calamity fund sa ganitong pagkakataon, or else talagang iiyak ka sa dusa. Talagang buti na lang at wala tayo sa kalagayang ganun. Tumawag nga si Avec ng Villar at siyempre itinatanong ang puwedeng itulong ni Camille Villar.
Dasal na lang panlaban natin. God help the Philippines. Help our President to do what is best for us.
- Latest