^

PSN Showbiz

Javi ‘di pa nakikita sa musical ni Sue?!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Javi ‘di pa nakikita sa musical ni Sue?!
Javi Benitez at Sue Ramirez
STAR/File

John Lapus binaha

Dahil sa matinding pag-ulan, matutuloy kaya ang simula ng Triple Threat ni Carla Guevara mamaya or reset na ‘yun? Parang irereset na raw yata ‘yun for a later date. ‘Yung closing weekend kaya ng Little Shop Of Horrors, tuloy din?

Manonood din kaya si Victorias City Mayor Javi Benitez para suportahan si Sue Ramirez na first time nagbibida sa isang musical?

Teka sila pa rin ba? Wait and see tayo dyan!

Solusyon sa baha, parang paracetamol lang

Puno ng posts tungkol sa baha ang feed natin kahapon. Ultimo sina MJ Felipe at John Lapus sinabi na nanganganib ang kanilang mga lugar dahil sa patuloy na malakas na ulan.

Marami ang tumutugon at dumaramay. Pero mukhang tama rin ang observasyon na – Hindi ba tayo nagsasawa sa ganun talaga, baha dahil maulan?

Na-Ondoy na tayo, na-Yolanda, taun-taong binabagyo, pero bakit hindi tayo natututo?

Ang solusyon natin lagi sa baha: itaas ang kalsada, mamigay ng relief, sabi nga, ni hindi mitigation kundi palliatives; hindi long-term na solusyon sa mga problema dahil nasanay na tayo sa fast relief – parang paracetamol lamang.

At kung ang dating VP Leni Robredo, nagmo-mobilize na ng relief operations, ano naman kaya ang ginagawa ng VP natin ngayon sa Germany na si VP Sara Duterte?

Mga sineng nagbukas kahapon, ‘di naramdaman sa bagyo

Dahil sa bagyong Carina, walang pasok kahapon ang local government offices at lahat ng class levels sa Metro Manila. Kahapon din ang opening sa local cinemas ng Deadpool & Wolverine, kasabay ang All My Friends Are Dead at Sagrada Luna.

Paano kaya ‘yun? May nanood kaya ng mga pelikula sa sinehan? Umabot pa to the point na ginagawa nang evacuation centers ang malls.

Ang tanong – magbabayad pa ba para sa sine ang mga tao sa ganu’ng sitwasyon?

Live show nina Boy at Willie, nakansela

Kanselado ang live show nina Boy Abunda at Willie Revillame kahapon dahil sa bagyo. Ibig bang sabihin niyo, mas makakapanood tayo ng mga telethon para makatulong sa ating mga kababayan?

Ang sabi’y mas marami na raw tubig-ulan na inilabas ang Bagyong Carina sa Bagyong Ondoy kaya ibayong ingat-ingat talaga!

Nakakataquote:

“This rain is giving me so much anxiety and I’m praying this will not end up like Ondoy.

“We’re safe here in our part of Marikina, bundok na kami but we’ve nowhere to go. Let’s storm the heavens w/ prayers for everyone’s safety.” – Jeffrey Hidalgo

SUE RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with