^

PSN Showbiz

Artistang Angkas

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga unang naging trabaho ni MJ Gallano ay ang maging escort o bodyguard sa mga mayayamang personalidad. (parang need ko na ng body-guard!)

“Karamihan mga gay ang kliente, sasamahan mo lang sya sa bar at kung saan man sya pupunta. Meron din time, na inuwi ako. Sinama ako sa bahay nya for one night. Alam mo naman ‘yun kung anong gusto nila.” (ay ewan, ‘di ko sure ano gusto nila!)

Maganda raw ang kita pero minsan nahaharap din sila sa mga mahirap na sitwasyon. “Malupit ‘yung isa. Direktor sya. Nag-o-offer sya. Pero di ko kaya ‘yung mga pinapagawa nya. Pero pumayag naman sya na ‘di ko na gawin ‘yun. Kaya natuloy rin pagkikita namin.” (ay napasigaw si direk ng action!)

Bilang halos lahat ng mga pinagsilbihan nya ay mga bading, naging bukas ang puso nya para makipagrelasyon. (ay ako bukas para sa’yo bro, 24/7!)

“Ok naman ‘yun kasi mabait. Trans sya. Nakilala ko sya sa circle of friends ko. Niligawan nya ako. Tapos nag-live in kami. Nagkahiwalay kami hanggang sa naging malungkot ang nangyari kasi naging pabaya sya sa sarili nya, nagkasakit hanggang sa namaalam na sya.” Pagbabahagi ni MJ. (ay wa ako comment sa ganyan!)

Naiba ang takbo ng buhay ni MJ, nang mapasalang sya sa showbiz.

Hindi nya naisip na aarte sya sa harap ng camera pero dahil sa isang kaibigan, naenganyo sya. (leading lady ako ha!)

“Yung kaibigan ko kasi, si Harwin, nagta-talent na sya. Bilang matagal ko na sya kaibigan, sya nag-encourage na subukan ko. Nung una parang wala lang sa’kin pero nung nasubukan ko, ok naman pala, “Paglalahad ni MJ. (subukan mo rin ako, bro!)

Sumasabak sya ngayon sa mga workshop para mas lalong mahasa ang kanyang acting skills. (magaling ako maghasa bro!)

“Kadalasan pulis ang naibibigay sa’king role dahil bagay daw sa’kin pero kung may pagkakataon, payag ako maging daring sa mga sexy films. Kasi acting lang naman ‘yun.

Willing ako kahit babae o lalaki ang kaeksena ko, at ipakita kung ano gusto nilang ipakita ko.

Sa ganyan din naman nagsimula si Coco Martin,” pagbibida ni MJ (patingin bro!)

Sa kanyang guest appearance sa Youtube show naming na WTFu, ibinida rin ng 24 anyos na binata na kapag wala siyang gig sa showbiz ay rumaraket sya bilang delivery rider at mukhang sadyang habulin pa rin talaga sya ng bading kahit saan sya mapadpad. (takbo bro! takbooooooo!!!!)

“Syempre bilang Angkas rider, ihahatid mo lang sila. ‘Yung iba ang gusto nila, magpahinga muna ako sa bahay nila.

Minsan naman, sabi nung pasahero masakit likod nya.

Masahe ko raw sya. Kahit ‘di ako marunong, minasahe ko. Sayang din ‘yung budget,“ pagkukuwento ni MJ (ay pahagod ako ng balakang ko bro!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

MR. FU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with