Inaming rason ng pagkabanlag ni Toni, kinontra!
Hindi apektado ang actress-host na si Toni Gonzaga tuwing tinatawag siyang banlag.
Napag-usapan nila ito nang ma-interview niya ang isang content creator na mula sa Cebu kung saan inaasar daw ito sa pagiging banlag at sinabi naman ng kapatid ni Alex Gonzaga na ganoon din siya.
Ikinuwento ng misis ni Paul Soriano ang rason kung paano siya naging banlag na kinontra naman ng netizens.
Sinabi kasi nito na dahil daw ito sa kanyang hosting na paliwanag niya ay noon daw wala pang teleprompter kung saan ang script na kanyang binabasa ay nakasulat lang sa manila paper o cartolina na nilalagay lamang sa gilid ng camera. Kaya hindi raw madali na habang nagho-host siya ay binabasa niya ang script at kailangan din niyang tumingin sa camera.
Pero umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa netizens. Sinabi ng mga ito na inborn daw ang pagiging banlag at hindi nakukuha sa ganoon.
Naniniwala sila na kung ito ang naging dahilan ay banlag din sana ang mga beteranong broadcasters.
Siguradong hindi naman apektado si Toni rito at mananatili lamang unbothered kahit pa anong intriga ang masalihan.
Bong at Goma, suportado ang pagwalis sa POGO
Alam n’yo ba na tinapos ko ang coverage ng SONA sa TV. Talagang excited ako sa lahat ng nagaganap at tuwang-tuwa ako na nakita sina Bong Revilla at Richard Gomez doon.
Lalo pa ang reaction nila nang ipangako ni PBBM na wawalisin na ang POGO.
‘Katuwa talaga ‘yung ipinakita nilang body language na patunay na at home sila sa lahat ng issues na nangyayari sa bayan natin.
I feel proud sa ipinakitang suporta ng mga kapwa niya pulitiko kay Presidente Bongbong Marcos. Patunay na naroon pa rin ang tiwala nila sa Pangulo.
We should be good followers. Dapat sumusunod tayo sa leader ng bayan. Ipakita natin ang suporta dahil siya ang ating pinuno.
Huwag tayong pulos reklamo at tingnan natin ang bright side ng buhay. Tumulong tayo para maging maganda ang buhay natin. Life is how you make it, ikaw ang gumagawa ng buhay mo para maging maganda ito.
Mahalin natin ang bayan natin, iisa lang ito. Ipagmalaki natin ang pagiging Pilipino. Dahil ito ang bayan natin.
- Latest