^

PSN Showbiz

Outfit wala raw meaning...Heart super trending sa SONA; Sen. Imee napagkamalang sanggre

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Outfit wala raw meaning...Heart super trending sa SONA; Sen. Imee napagkamalang sanggre
Gloria Macapagal-Arroyo, Heart Evangelista at First Lady Liza Marcos.

Super trending ulit si Heart Evangelista kahapon.

Yup, hindi pa man natatapos ang mga comment sa kanyang pagrampa sa GMA Gala 2024, heto at mas pinag-usapan siya sa kauna-unahang State of the Nation Address ni Senate Chiz Escudero bilang Senate president na kasamang naglakad ang global icon na misis sa red carpet sa Congress kahapon.

Simple lang ang outfit ni Heart, parehong white, na ang una ay two-piece modern white Filipiniana, gawa ni Michael Leyva, sa Opening ng Senate Session at ang second ay white gown din na simple pero elegante na gawa rin ng kaibigan niyang designer.

At nang tanungin si Heart tungkol sa nasabing outfit, mabilis ang sagot ng misis ng Senate President sa mga nag-interview na “Walang meaning yung outfit ko. At the end of the day, it’s not really about us.” 

Ginawa ring big deal ng ibang netizens ang seating arrangement sa lumabas na photo na napagitnaan siya nina former President Gloria Macapagal-Arroyo at First Lady Liza Marcos.

Kanya-kanya silang gawa ng caption na ang iba ay nakakatawa.

Parang sign daw ata ‘yun na titira rin si Heart sa Malacanang.

Meron din namang tumawag sa kanyang ‘senorita’ dahil napapagitnaan siya ng dalawang ‘senyora.’

Parang nanay niya raw kasi sina PGMA at FL Liza.

Laging binabantayan ang susuutin ni Heart sa SONA umpisa nang maging misis siya ni Sen. Chiz.

Anyway, ang ganda rin ng dalawang outfit ni Rep. Lani Mercado kahapon. Kasama nga siya sa mga Best Dressed sa SONA.

Costumized barong ni Paul Cabral ang suot ni Sen. Bong Revilla at si Rajo Laurel ang may gawa ng second gown ni Rep. Lani.

Gumawa rin ang ingay ang ang presidential sister na si Sen. Imee Marcos sa kanyang isinuot para sa ikatlong taunang State of the Nation Address ng kanyang kapatid.

Dumating si Sen. Imee sa Batasang Pambansa Complex na nakasuot ng dark green sleeveless na may gold na headpiece.  May gold accent din ang outfit niya sa harap at sa bewang.

Kinumpleto ng mahabang buhok na may tinirintas sa gilid ang kanyang buong hitsura.  “Moro armor” daw ang inspirasyon niya sa nasabing outfit.

Marami namang nag-comment na parang siyang diwata. May nagsabi namang mala-Sanggre ang kanyang outfit.

Best Dressed din si Ormoc Mayor Lucy Torres kasama si Cong. Richard Gomez.

Bukod sa problema ng bansa at mga kailangang ayusin sa ating bayan, inaabangan tuwing may SONA ang mga susuotin ng mga pulitiko, celebrities at iba pang dumadalo sa taunang pagbubukas rin ng Kongreso.

vuukle comment

ACTRESS

HEART EVANGELISTA

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with